Anak, binahagi ang nakaluluhang ebidensya ng kasipagan ng amang jeepney driver

Anak, binahagi ang nakaluluhang ebidensya ng kasipagan ng amang jeepney driver

- Binahagi ng isang anak ang larawan ng mga "baon" nila araw-araw na ebidensya ng pagsusumikap ng kanilang ama

- Na-post ito ng anak na si Jocelle Singcay, upang ipakita na talagang di tumitigil ang kanyang ama sa pamamasada hangga't di nakukumpleto ang pambaon nilang magkakapatid

- Sinabi rin ni Jocelle na malapit na rin daw niyang masuklian ang kasipagan ng kanyang ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sadyang nakaaantig ng damdamin ang viral post ng netizen na si Jocelle Singcay tungkol sa kasipagan ng kanyang ama.

Sa kanyang Facebook post, binahagi niya ang larawan ng nadatnan niya isang gabing nagising siya sa pagkakatulog.

Nakita niya kasing handa na ang pambaon nilang magkakapatid para sa susunod na araw at nakumpleto na naman daw ito ng tatay nila na jeepney driver. Di niya napigilang maluha dahil dito.

Proud daw si Jocelle dahil sa di talaga tumitigil ang kanyang ama sa pamamasada hangga't kulang pa ang pambaon nilang magkakapatid.

Mapapansin din sa larawan na mayroon na ring nakalaang pera para sa pang-almusal nila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kwento pa ni Jocelle, uuwi ng gabi ang ama at gigising din ng maaga upang mamasada at makalikom muli ng pera para sa pambaon at iba pang gastusin ng kanilang pamilya.

Saludo raw siya sa kanyang ama kaya naman nasabi niya na konti na lamang at masusuklian na niya ang mga paghihirap na ito ng kanyang tatay.

Laking pasalamat din daw ni Jocelle na kahit di sila mayaman ay natutugunan pa rin ng kanyang tatay ang pangangailangan nila sa pamilya.

Pinangako rin nito na kapag nakapagtapos na siya ng pag-aaral, patitigilin na niya ang kanyang ama na mamasada pa ng jeep.

Dahil dito, marami ang mga netizens ang pinaghalo ang luha at tuwa sa post na ito ng anak.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sweet!"
"Totoo yan, napakabuti at napakasipag ng tatay mo"
"Sana lahat ng tatay tulad ng tatay mo"
"Ano ba yan, naiyak ako ganyan din tatay ko"
"You have a really good Father. Hats off to you Sir!"
"ToToo Cel di matatawaran ang pagmamahal ng isang magulang, mahal ang mga anak.gawin lahat kahit ikamatay mapabuti lang ang mga anak."
"Nakakataba ng puso ang post na ito, malamang mabuti ka ring anak na nakikita mo ang kabutihan at paghihirap ng iyong ama sa inyo"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Mainit na eksena sa pagitan ng misis at kabit sa kalsada, sapul sa video

Mainit na eksena sa pagitan ng misis at kabit sa kalsada, sapul sa video

Mainit na eksena ng misis at kabit sa kalsada, sapul sa video
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel