Netizens, namangha sa pre-nup photos na ginawa lamang sa paligid ng Cubao

Netizens, namangha sa pre-nup photos na ginawa lamang sa paligid ng Cubao

- Agaw eksena ang kakaibang konsepto ng pre-nuptial photos na binahagi ng Extremedetails Photography

- Makikita ang realidad sa paligid ng Araneta Center Cubao Quezon city na pinaniniwalaang mahalagang lugar sa ikakasal

- Maraming netizens ang namangha at natuwa sa mga detalye ng larawan na kakaiba ngunit totoo kumpara sa karaniwang konsepto ng pre-nup pictures

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang mga pre-nuptial photos ng magkasintahang sina Bjorn at Cat.

Binahagi ng Extremedetails Photography ang mga larawan na kuha sa iba't- ibang sulok ng Araneta Center Cubao.

Pinaniniwalaan tuloy ng mga netizens na ito ang lugar kung saan nagkakilala at madalas magkasama ang dalawa.

Buhay na buhay ang mga litrato at nakikita ang realidad sa Cubao.

Simple at naiiba ang konsepto ngunit kitang kita ang katotohanan sa lugar gaya na lamang ng pag-ibig nina Bjorn at Cat.

May kuha pa sila na kumakain ng mga street food na marahil nakagawian nila tuwing dumadaan doon.

Meron din sa terminal ng jeep na siguro'y sinasakyan nila pauwi ng kanilang tahanan.

At di rin pahuuhuli ang agaw eksenang kuha sa ilalim ng foot bridge ng Cubao.

Ilan lamang ito sa nakamamanghang mga kuha nina Edu Cortez & Mherl Angelie Cortez pati na rin si Grace Del Rosario para sa hair and make-up.

Samantala, halo-halong reaksyon ang binahagi ng netizen na ang karamihan sa kanila ay namangha sa kakaibang konsepto at nais ding magkaroon ng parehong tema sakali raw na sila ay ikakasal.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Yan ang tunay na creative shot!"
"ito yun pinaka favorite ko sa lahat, congrats sir, galing ng shot."
"Waah, nagkaroon tuloy ako ng idea sa gagawin ko sa prenup namin. thanks"
"Hala so cute. kala ko nga kinasal na... pero ok ang concept ah"
"Amazing! simple pero totoo."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Mainit na eksena sa pagitan ng misis at kabit sa kalsada, sapul sa video

Mainit na eksena sa pagitan ng misis at kabit sa kalsada, sapul sa video

Mainit na eksena ng misis at kabit sa kalsada, sapul sa video
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel