Mga estudyante, sinunog ang isang 'Momo doll' sa flag ceremony nila sa Butuan City

Mga estudyante, sinunog ang isang 'Momo doll' sa flag ceremony nila sa Butuan City

- Maraming magulang ang nabahala at natakot sa nag-viral na 'Momo Challenge' kamakailan

- Para maiwaksi ang takot ng mga estudyante, sinunog nila ang isang 'Momo doll' sa Butuan City

- Isinagawa ng mga estudyante ang pagsunog sa effigy sa kanilang flag raising ceremony sa eskuwela

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging usap-usapan at kinatakutan pa ng maraming magulang ang balita tungkol sa 'Momo challenge' kung saan madalas na biktima nito ay mga bata.

Marami na kasi ang naitalang report na hinihikayat daw mag-suicide ang mga bata sa naturang challenge.

Nalaman ng KAMI na sinunog ng mga estudyante ang isang 'Momo doll' sa kanilang flag raising ceremony kamakailan.

Isinagawa ang pagsusunog sa imahe ni Momo sa Libertad Elementary School, Butuan City para iwaksi ang takot sa mga estudyante nitong 'viral suicide scare,' ayon sa ulat ni Maan Macapagal ng ABS-CBN.

"Hindi siya totoo at hindi dapat katakutan ng mga bata, kaya sinunog yan sa harapan nila at mismong ang mga estudyante ang sumunog, para ipakita na sila ang nasa upperhand na mawala ang takot nila," pahayag ni CARAGA Regional Director, Police Brigadier General Gilbert Cruz.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, isang 3-anyos na batang lalaki ang muntik ng mamatay dahil sa pagkain nito ng popcorn. Gustong makatulong ng ina ng bata sa ibang magulang para malaman nila na delikado ang pagpapakain ng popcorn sa maliliit na bata.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features Kapamilya love team Liza Soberano and Enrique Gil as they play a 'firsts' game together! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Final episode: Scammer, lumuhod at nagmakaawa kay ate na OFW na nakuhaan niya ng halos 1 milyon

Final episode: Scammer, lumuhod at nagmakaawa kay ate na OFW na nakuhaan niya ng halos 1 milyon

Final episode: Scammer, lumuhod at nagmakaawa kay ate na OFW na nakuhaan niya ng halos 1M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel