Guro, inalagaan ang anak ng kanyang estudyante para makapag-focus sa klase

Guro, inalagaan ang anak ng kanyang estudyante para makapag-focus sa klase

-Sa isang viral post sa social media, ipinakita ng isang guro na lahat ay posible basta para sa pag-aaral

-Isa kasi sa mga estudyante ng guro ang kinailangang dalhin ang kanyang anak na sanggol sa kanilang klase

-Ngunit sa halip na pagsabihan ng guro ang estudyante ay ito pa ang nag-alaga sa anak nito para makapag-focus ito sa klase

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang viral post sa social media, isang estudyante ang nagbahagi kung paanong tinanggap ng isang guro ang sitwasyon ng isa sa kaniyang mga kaklase.

Ayon sa post ni Nick Vaughn, sa 'di inaasahang pagkakataon, pumasok ang isa sa kanyang mga kaklase na si Wayne Hayer na dala ang kanyang sanggol na anak.

Ngunit sa halip na pagsabihan o kaya naman ay pauwiin ito ng guro, malugod itong tinanggap ng kanilang Math teacher na si Nathan Alexander.

At sa kanilang pagka-mangha, ito pa mismo ang nag-prisinta na buhatin at alagaan muna ang baby upang makapag-focus ang tatay nito sa kanilang klase.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sabi pa sa ulat ng Yahoo PH, ipinaliwanag naman daw ng estudyante ang kanyang kalagayan. Hindi raw kasi ito makahanap ng mag-aalaga sa kanyang anak.

Samantala, sa isang panayam ng Yahoo Lifestyle kay teacher Nathan, sinabi nitong hinimok niya ang kanyang mga estudyante na maging open lang sa kanya.

Marahil, isa ito sa mga paraan ng guro upang mas mahikayat ang kanyang mga estudyante na mas mag-pursige pa sa pag-aaral.

“I try to tell my students early in the semester that if they ever need anything from me, to be in touch with me to let them know, and I really work to let them know that I mean that,” anito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Captain Marvel reveals, she first worked in the much-awaited Endgame

Captain Marvel reveals, she first worked in the much-awaited Endgame

Captain Marvel reveals, she first worked in the much-awaited Endgame
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel