Halagang ₱400,000, naipon mula sa tangke ng tubig na ginawang alkansiya

Halagang ₱400,000, naipon mula sa tangke ng tubig na ginawang alkansiya

- Umabot sa ₱400,000 ang halaga ng mga naipon ng lalaking si Jun Lacap sa tangke ng tubig

- Di rin niya inakala na aabot ito sa ganitong halaga kaya nagbabalak siyang mag-ipon muli sa mas malaki pang tangke

- Paalala naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas, bagaman at waa pang batas na nagbabawal mag-ipon ng maramihang barya o coin hoarding, hindi rin nila kinukumbinsi ang publiko na gawin ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral noong nakaraang Linggo ang video ni Benigno Jun Rambo Lacap Jr. kung saan binubuksan niya gamit ang metal cutter ang tangke ng ng tubig na ginawa alkansiya.

Ayon sa GMA Balitambayan, umabot di umano sa halagang ₱400,000 ang mga inipon ni Jun na limang piso at sampung pisong barya.

Sa sobrang bigat dahil sa punumpuno ang tangke, kinailangan niya ng tulong ng kanyang mga kaibigan upang mabuksan at mabilang ang mga ito.

Kwento ni Jun, naisipan niyang tangke ng tubig ang gamitin niyang ipunan ng barya upang di niya ito basta-bastang mabuksan.

Hindi rin niya ito basta makukupitan dahil gaya nga ng nakita sa viral video, metal cutter pa ang pinambukas dito. Una na itong naibalaita ng KAMI.

Dahil dito, balak pa niyang ulitin ang pag-iipon at ngayon ay sa mas malaki nang tangke ng tubig para mas malaking halaga ang ma-ipon. Balak niya itong ipambili ng lupa na pagtatayuan ng kanyang negosyo na gym.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tatagal daw ng nasa tatlo hanggang apat na taon bago niya mapuno ang planong mas malaking tangke ng tubig.

Samantala, tila di nagustuhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang ideya na ito ni Jun.

"Ngayon kasi wala naman kasing batas against coin hoarding not as yet kasi wala pang batas doon. Pero ang ano, it counters coin circulation ng BSP," pahayag ni Grace Malic, deputy director ng Currency Issue and Integrity Office ng BSP.

Mahalaga raw at kaaya-aya talaga ang ang mag-ipon ngunit hangga't maaari ay sa maliit na alkansiya lamang.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Binatilyong labis mag-cellphone, sinugod sa ospital dahil sa kakaibang ginawa

Binatilyong labis mag-cellphone, sinugod sa ospital dahil sa kakaibang naramdaman

Binatilyong labis mag-cellphone, sinugod sa ospital dahil sa kakaibang naramdaman
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel