3 taong gulang na bata, patay sa saksak dahil sa pangho-hostage ng sariling lolo

3 taong gulang na bata, patay sa saksak dahil sa pangho-hostage ng sariling lolo

- Patay ang inosenteng tatlong taong gulang na bata nang ma-hostage at tuluyang saksakin ng sarili niyang lolo sa di malamang dahilan

- Pinasok ng lolo at kwarto ng mag-ina at ginawang hostage ang bata sa di pa malamang dahilan

- Kapansin-pansin daw ang kakaibang kilos ng suspek na kagagaling lamang ng Maynila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Patay sa saksak ang inosenteng tatlong taong gulang na bata matapos siyang gawing hostage ng sarili niyang lolo noong linggo ng umaga, Marso 3 sa Mobo, Masbate.

Ayon sa GMA news, bigla na lamang pinasok ng lolo ang kwarto ng kanyang pamangking guro na kasama ang anak.

Hawak-hawak ang kutsilyo, tinakot ng lolo ang mag-ina na sasaksakin sila. Kinagulat nila ito dahil di nila malaman ang dahilan bakit nais itong gawin ng matanda.

Mabilis na nakarating ang mga pulis sa lugar ng hostage taking ngunit sa kalagitnaan ng pakikipagnegosasayon ng mga pulis sa suspek, nagawa na nitong saksakin ang bata.

Dahil dito, pinaputukan na ng mga awtoridad ang lolo na namatay din.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa kasamaang palad, pati ang tatlong taong gulang na bata ay di na rin nabuhay kahit nadala pa ito sa ospital.

Sa imbestigasyon na sinagawa ng Bicol Regional Police Office, nalaman nilang kagagaling lamang ng Maynila ng suspek.

Kapansin-pansin daw ang kakaibang kinikilos nito nang umuwi sa Masbate at tila lagi raw itong di makali.

Samantala, di naman nasaktan ang ina ng bata ngunit labis ang paghihinagpis nito sa biglaang pagkamatay ng kanyang anak.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Check out this funny prank video filmed in the Philippines.

Funny Pranks: Messing Around With Filipinos | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Comelec’s Guanzon dares and airs strong words against Cardema

Comelec’s Guanzon dares and airs strong words against Cardema

Comelec’s Guanzon dares and airs strong words against Cardema
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel