11-month-old baby na inoperahan sa dibdib, babad sa init at alikabok sa kalsada

11-month-old baby na inoperahan sa dibdib, babad sa init at alikabok sa kalsada

- Isang netizen ang humingi ng tulong para sa mag-inang nakikita niya isang buwan na sa kalsada

- Inoperahan ang 11-month-old na sanggol sa dibdib dahil tinanggal ang kanyang nakadikit na kambal na namatay

- Wala silang bahay at sa kariton lamang sila nakatira kung kaya naman sobrang naawa ang netizen sa kanilang sitwasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunus-lunos ang sitwasyon ng isang baby na kakaopera pa lamang sa dibdib at ng kanyang ina na natutulog sa kalsada.

Nalaman ng KAMI, na 11-month-old ang baby at tinanggal ang kambal niyang nakadikit sa kanyang dibdib.

Ayon kay Facebook user Erlyn Rosado Semilla, mahigit kumulang isang buwan na niyang nakikita ang mag-ina sa may paradahan ng mga motor at tricycle.

Kadalasan tanghali na raw dumadating ang mag-ina at hanggang hatinggabi na sila doon.

Ayon daw sa kuwento ng ina, wala silang bahay at sa kariton lamang nakatira.

Ang pinag-aalala ng netizen ay ang operasyon ng bata dahil di niya alam kung nalinisan ang sugat o magaling na nga ito.

May impeksyon pa raw sa dugo ang bata, ngunit dahil salat sa materyal na bagay, kailangan nilang manirahan sa kalsada kung saan nabababad sa init, usok at alikabok ang baby.

Minsan daw po mag-isa lang ang baby na sobra namang delikado. Makikita sila sa Puregold Monumento, sa may pilahan ng tricycle.

May mga tumutulong din sa kanilang nagbibigay ng pagkain, gatas, laruan at damit.

Nais ng netizen na sana may makatulong sa kanila na NGO, o di kaya makarating ang kuwento nila sa KMJS o Raffy Tulfo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito po ang full post ng concerned netizen:

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Want to know the "Firsts" of LizQuen. Liza and Enrique play the "Firsts" game. Watch it here.

Source: Kami.com.ph

Related news
4 life principles that Eddie Garcia lived by

4 life principles that Eddie Garcia lived by

Life principles Eddie Garcia lived by that everyone could learn from
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel