Pinay na may kapansanan at dumanas ng depresyon, nagsisimula muli sa buhay

Pinay na may kapansanan at dumanas ng depresyon, nagsisimula muli sa buhay

-Dahil sa kanyang kapansanan, na-bully at dumanas ng depresyon ang dalagang si Dina

-Inilabas ng dalaga ang lahat ng lungkot at sakit sa kanyang mga ipinipinta

-Ngunit sa kabila nito, nanatili siyang matatag lalo pa at naiwan sa kanya ang responsibilidad na alagaan ang may sakit na ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bata pa lamang ang 32-anyos na dalagang si Dina ay napansin na ang kanyang kawalan ng pandinig.

Dahil dito, nawalan ng tiwala sa sarili ang dalaga at naging dahilan pa ito para lumayo siya sa karamihan.

Ngunit naging sanhi naman ito para siya ay ma-bully. At dahil dito, dumanas ng depresyon si Dina.

Dala niya hanggang sa kanyang pag-tanda ang mga mapapait na naranasan kung kaya naman iwas pa rin ito sa tao.

Ngunit dahil sa kanya naiwan ang responsibilidad na alagaan ang kanyang inang may sakit, natutong mag-hanapbuhay si Dina.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ginamit niya ang talento upang kahit papaano ay makaraos silang mag-ina bagamat ang kanyang mga obra ay puno pa rin ng lungkot.

Napag-alaman ring, natulungan si Dina ng isang NGO upang mas malinang ang kanyang talento.

Naging daan ito para unti-unting magbago at umahon ang dalaga sa pagkalugmok sa kalungkutan.

Nagkaroon pa ito ng pagkakataon na maitampok ang mga sining niya sa isang sikat na art gallery sa bansa.

Samantala, sa tulong ng programang Mission Impossible, kung saan naitampok ang buhay ni Dina, nagkaroon ito ng pagkakataon na kumatok sa mga mabubuting puso.

Naging dahilan ito upang mas makabangon pa si Dina sa kalungkutang dinala mula pa noon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lucy Torres, agaw-pansin ang trending throwback photos

Lucy Torres, agaw-pansin ang trending throwback photos

Lucy Torres, agaw-pansin ang trending throwback photos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel