Mga batang kalye, nagbebenta ng kanilang "artwork" kaysa mamalimos

Mga batang kalye, nagbebenta ng kanilang "artwork" kaysa mamalimos

- Agaw eksena ang post tungkol sa mga batang lansangan na nagtitinda ng kanilang mga obra

- Imbis na mamalimos, nagbebenta sila ng kanilang mga drawing sa halagang piso hanggang limang poso

- Maraming netizens ang natuwa at sana raw ay makita nila ang mga bata upang makabili sila ng mga gawa nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang post ni Adrian Moslares kung saan makikita ang mga batang lansangan na nagtitinda ng kanilang mga drawing.

Ayon sa Yahoo Philippines, nadaanan lamang daw ni Adrian ang mga batang ito sa may Gaisano Grand Calbayog mall, Calbayog City sa Samar nang mapansin niya ang karatulang "Art for Sale." Doon daw niya napansin na mayroon pa lang nagtuturo palang lalaki sa mga batang ito.

Nakilala niya ang lalaki na si Dennis Calag. Imbis daw na mamalimos ang mga bata, binigyan niya ang mga ito ng ideya na gumuhit sa karton at kanila itong ibenta.

DI na nalalayo ang kwento ng mga kabtaang ito kay Ed Lam, isang homeless artist sa Ermita na nagbebenta rin ng mga pinipinta niya para kumita. Ito ay una nang nai-balita ng KAMI.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa ngayon, sa maayos at normal na papel na sila gumuguhit sa drawing session nila kay Dennis tuwing alas-sais ng gabi.

Laking pasalamat nila sa Rotary Club [of Greater] Calbayog na siyang nagbigaty ng mga materyales sa mga bata.

Sana raw ay maging inspirasyon ang ginawa nilang ito sa mga kapwa nila bata. Marami naman daw kasing maaring maaaring gawin kaysa manghingi na lamang o maghintay ng biyaya.

Habang bata pa sila, natutunan na agad nila kung paano magsumikap upang umita ng marangal at di umaasa sa hingi.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica