Netizens, nagbayanihan para matulungan ang isang Haponesa

Netizens, nagbayanihan para matulungan ang isang Haponesa

-Sa pamamagitan ng social media natulong-tulong ang ilang netizens para matulungan ang isang Haponesa

-Ayon sa post ng netizen na si Warren Brozas Sepeda, nawawala at nanakawan pa ang Haponesa sa ating bansa

-Umabot sa 50k shares ang post na ito ni Sepeda at kasalukuyan ay nasa maayos na lagay na ang Haponesa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang netizen ang nag-post sa Facebook kamakailan lang ng tungkol sa isang Haponesa na naligaw at nawala sa ating bansa.

Ayon pa sa post ng netizen na si Warren Brozas Sepeda, nanakawan pa umano ang Haponesa kasama ang ilang mga dokumento nito.

Kinilala itong si Miyuki Aratani na mula sa Todomeki, Nawa-chò,Tõkai-shi, Aichi-ken, Japan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi pa natapos ang pagtulong dito ng netizen dahil naglaan pa ito ng oras para pumunta at i-check ang Haponesa sa Japanese Embassy.

Ngunit noong una ay wala doon ang Haponesa at ayon umano sa guard ay umalis na ito doon.

Sa kabutihang palad, sa latest update nito noong ika-2 ng Marso, sinabi ni Sepeda na nasa maayos na lagay na ang Haponesa at nasa Japanese Embassy na.

Ang mas nakakatuwa dito, ay ang pagbabayanihan ng mga Pilipino para matulungan ang isang dayuhan.

Isa itong patunay na wagi sa pagbabayanihan ang mga Pinoy na kinikilala sa buong mundo.

Umabot po sa 50k shares ang post na ito ni Sepeda.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Coco Martin, di nakapagtimpi, may sinabihang 'shut up' sa IG

Coco Martin, di nakapagtimpi, may sinabihang 'shut up' sa IG

Coco Martin, di nakapagtimpi, may sinabihang 'shut up' sa IG
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel