Mga kabataan sa lansangan na humihithit di umano ng rugby, sapul sa video
- Nakaaalarma ang video ng isang tumpok na kabataang humihithit ng di umano"y rugby
- Ang masaklap pa rito, may dala pang sanggol ang grupo na halos lahat ay may hawak na supot na kanilang inaamoy-amoy
- Panawagan ng karamihan na sana'y madala na lamang sa DSWD ang mga ito upang magabayan at marahil maging sanhi pa ito ng kaguluhan sa lansangan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Binahagi muli ng netizen na si Lee Canete ang video ng mga kabataang lantarang humihithit daw ng rugby.
Sa nag-viral na orihinal na post ni Jcw Connock Olanda, kuha raw ito malapit sa SM Cebu city.
Makikita ang isang tumpok ng kabataang may hawak na supot na pinaniniwalaang may lamang rugby.
Nakakaalarma ang mga ito dahil tinatayang nasa 8 hanggang 10 taong gulang ang pinakabata sa grupo na may 'hinihithit' sa supot.
Bukod pa sa kanila, may dala pang sanggol ang isang binatilyo sa grupo.
Sadyang nakakatakot ang kanilang kalagayan lalo pa kung sila ay malango at kung anong di maganda ang magawa.
Ayon pa sa post, dapat maaksyunan daw ito ng Department of Social Welfare and Development ng lugar ang ginagawa na ito ng mga bata.
Base sa mga naunang balita, nakakawala raw ng gutom ang paghithit ng rugby. Kay raw marami asa ating mga batang lansangan ang gumagawa nito ay upang makalimot sa mga kumakalam nilang sikmura.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Samantala, narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:
"Ayan ang sinasabi, di pwede hulihin bata kasi e, e pano kung sa kalanguan niyan magwala, mag-amok, manakit o magnakaw... hihintayin niyo pa ba yun?"
"may mga magulang yan .. saan ang sila/??/ bakit de nila hinanap ang mga anak nila.?"
"Di pede hulihin mga menor de edad magagalit si Kiko at Chr."
"hahahaha, hihintayin pa ata nila ma-high tong mga ito bago damputin!"
"Andami nila, pano kung kuyugin ka ng mga yan?
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?
Challenging LizQuen Fans | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh