Bangkay ng sanggol na palutang-lutang sa sapa sa Bulacan, nakunan ng video

Bangkay ng sanggol na palutang-lutang sa sapa sa Bulacan, nakunan ng video

- Viral ngayon ang mga larawan at video ng sanggol na palutang-lutang sa sapa sa Bulacan

- Binahagi ng isang netizen ang kalunos-lunos na sinapit ng sanggol na mayroon pa raw pusod at inunan

- Walang ibang hangad ang mga netizens kundi ang katahimikan ng kaluluwa ng sanggol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post tungkol sa bangkay ng sanggol na natagpuang palutang-lutang sa sapa sa Purok 3 Palapat, Hagonoy Bulacan.

Binahagi ng netizen na may pangalang Ja S ON sa Facebook ang mga larawan at video ng kalunos -lunos na sinapit ng sanggol na pinaniniwalaang itinapon sa sapa.

Ang mas lalong nakakadurog ng puso ay nang mapansin ng mga taong nakakita na may pusod at unuan pa ito. Nangangahulugang bagong panganak pa lamang ito nang basta na lamang itapon.

Ayon pa sa post, sana raw naisipan na lamang ng ina ng sanggol na ipaampon ito kaysa ganito ang sinapit ng inosente sanggol.

Nakakadurog daw talaga ng pusong makita ang kalagayan ng sanggol ayon kay Jason. Di niya rin akalain na masisikmura ng isang ina na ganito ang gawin sa sarili niyang anak.

Maaring ilang oras na ring naroon ang sanggol dahil parang lobo na ang katawan nito dahil sa tubig.

Samantala, wala namang ibang hinangad ang mga netizens kundi ang katahimikan na lamang ng kaluluwa ng sanggol.

Di rin nila maiwasang maglabas ng saloobin sa ina ng sanggol na wala raw puso at kaluluwa sa ginawa niyang ito.

(Babala: Maselan ang mga larawan at video ng naturang post)

Link: https://www.facebook.com/jhazzki/posts/2046175778811547

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"jusko.binenta o pina ampon nya nlng Sana cya para kahet papano nabuhay cya.d na naawa .kawawang bata d manlng nabigyan ng pagkakataon na masilayan ang mundo"
"Sana hindi kna magkaanak walang kang kwenta ina"
"Sana pinamigay mo nlng mdami nangangarap mgkaron ng anak pro mas mdami din ang pumAptay sa sarili nlng anak kkainis tlga dko mn alm dhilan ng nanay pro galit ako sa tulad mong mmatY sanggol n wlang mwang"
"R.I.P baby..hayaan mo managot magulang mo sa ginawa nila sayo, ang mahalaga nasa heaven kana ngayon, kasama si papa jesus. "
"Ayokong sabihin na okay dahil namatay ka baby.. Pero kasi mas okay ka na ngayon kasi kasama mo na si lord ngayon.. so rest in piece with him okay? You dont deserve them. Hayaan mo. May pag lalagyan yung taong gumawa neto sayo. Coz God won't let them get away with this. May pag lalagyan sila. So be Glad na you wont grow up in this word na sila yung masisilayan mo."
"Kung ano man ang pinagdadaanan mo kung bakit ka nabuntis ka na pisti ka.. Hindi dahilan yon para pumatay ka ng ganyan. Sana pinaampon mo nalang yung bata at ikaw na lang ang nagbigti.. Bwisit yung mga taong kayang pumatay ng ganyan kaliit na anghel."

"Si Lord na bahala sa gumawa sayo nyan baby. Ang sakit sa puso grabe"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Celebrities react to ex-mayor Antonio Sanchez's possible early release

Celebrities react to ex-mayor Antonio Sanchez's possible early release

Celebrities react to ex-mayor Antonio Sanchez's possible early release
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel