Batang na-trauma kay Momo, nakitang inuuntog ang ulo sa pader ng school
-Takot na takot pa rin ang 7-anyos na si Callie dahil kay Momo kahit pa sinabi na ng kanyang ina na hindi ito totoo
-Ayon pa sa nanay ng bata, nakita pa itong inuuntog ang sariling ulo nito sa pader ng kanilang eskwelahan sa sobrang takot
-Hindi pa rin nitong magawang ikwento ang mga sinabi sa kanya ng viral na si Momo dahil sa takot na masaktan nito ang kanyang mga magulang
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isa pang kaso ng trauma dahil sa viral na Momo challenge ang naiulat ng Daily Mail.
Ito ay ang kaso ng 7-anyos na batang babae na si Callie Astill na ibinahagi mismo ng kanyang ina online.
Ayon kay Victoria Turner, nadiksubre lang niya ang tungkol sa kinatatakutang video ni Momo nang makita ito sa social media na ibinabahagi rin ng mga netizens.
Dahil dito, tinanong niya ang kanyang anak na si Cassie, ngunit hindi niya inaasahang labis na takot ang magiging reaksyon nito.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Nagsisigaw at tinakpan pa umano ng bata ang kanyang tenga at labis na umiyak nang banggitin niya ang tungkol sa viral na balita.
Inamin rin umano ng bata na madalas na niyang mapanaginipan ang nakakatakot na mukha ni Momo.
Dahil dito, hindi na rin daw nagpupunta sa banyo ang bata ng mag-isa.
Napag-alaman rin ng KAMI na nakatanggap ng tawag ang ina ni Cassie mula sa eskwelahan nito dahil sa mga kakaibang ikinikilos ng kanyang anak.
Inuuntog na rin daw ni Cassie ang kanyang ulo sa pader ng eskwelahan at pilit na nagpapauwi na.
Inakala pa raw ni Victoria na may pagkukulang na siya sa anak kaya nag-iba na ang mga ikinikilos nito.
Hindi na rin umano nakakatulog ng maayos ang bata at palaging sinasabing nakikita nito ang mukha ni Momo kahit siya ay nakapikit.
Sa kabila nito, hindi pa rin magawang ikwento ng bata ang mga napanood tungkol sa Momo challenge dahil sa labis na takot na saktan nito ang kanyang magulang.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh