88-anyos na lola, nilapa ng 6 na German Shepherd

88-anyos na lola, nilapa ng 6 na German Shepherd

-Patay ang isang 88-anyos na babae matapos itong pagtulungang lapain ng anim na German Shepherd

-Ayon sa report, may inaayos lamang ang babae sa kanyang likod-bahay nang bigla na lang itong atakihin ng mga aso ng kanyang kapitbahay

-Posibleng masampahan ng kaso ang may-ari ng mga German Shepherd

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunos-lunos ang inabot ng isang 88-anyos na babae sa Tennessee na si Bessie 'Jill' Peterson matapos itong pagtulungang lapain ng anim na German Shepherd.

Ayon sa ulat ng Daily Mail, may inaayos lamang ang babae sa kanyang likod-bahay nang bigla itong atakihin ng mga ito.

"They dragged her down the yard and all of her clothes were off, her shoes, everything. They tore all of her hair out, the casket can't be open, it's like a nightmare. It's hard to believe,"

Ito ang pahayag ng kapatid ng biktima na si Nina Brown sa isang panayam dito.

Sinubukan pa umano niyang tulungan ang kapatid ngunit tatlo sa mga aso ang humabol sa kanya kaya napabalik din siya sa loob ng bahay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Agad naman daw itong tumawag sa 911 para humingi ng saklolo.

Dahil sa lala at lalim ng mga sugat ni Peterson ay kinailangan pa siyang i-airlift papunta sa Vanderbilt University Medical Center.

Ngunit kinalaunan ay pumanaw rin ang babae.

Samantala, posibleng maharap sa kaso ang may-ari ng mga aso.

Napag-alaman rin ng KAMI na ilang beses nang naireklamo sa mga awtoridad ang mga nakakawalang aso.

Ang anim na German Shepherd ay na-euthanize o pinatay sa pamamagitan ng gamot na mag-sa-shut down sa kanilang utak at puso.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mag-asawang Pinoy sa Arizona, sangkot sa pagkamatay ng isang senior citizen

Mag-asawang Pinoy sa Arizona, sangkot sa pagkamatay ng isang senior citizen

Mag-asawang Pinoy sa Arizona, sangkot sa pagkamatay ng isang senior citizen
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel