DepEd, naki-simpatya sa pamilya ng 5 estudyanteng namatay galing sa paligsahan

DepEd, naki-simpatya sa pamilya ng 5 estudyanteng namatay galing sa paligsahan

- Nasawi sa isang akisente ang mga kinatawan ng Basay National High School sa MathSayaw competition sa Cebu city

- Pauwi na sana ang mga Grade 11 na estudyante at ang guro nila mula sa kompitisyon nang mabangga ang sinasakyan nilang van sa isang cargo truck

- Naglabas ng opisyal na pahayag ang DepEd ukol sa nangyari lalo pa at galing sa school competition ang mga nasawi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunos-lunos ang sinapit ng mga estudyante ng Basay National High School nang aksidenteng sumalpok ang sinasakyang van nila sa isang cargo truck.

Ayon sa Radio Abante, pauwi na ang mga estudyante at coach nito mula sa kompetisyon ng Math Sayaw sa Cebu city nang mawalan ng control sa manibela ang 29 anyos na driver ng van na si Jaypee Sarad.

Sinasabing madulas daw ang daan sa Barangay Mayabon, Zamboanguita, Negros Oriental kaya naman bumangga ang sinasakyang van ng mga estudyante sa truck bandang 6:20 ng umaga noong Marso 1.

Limang estudyante ang nai-ulat na nasawi habang 10 pa sa mga estudyante kabilang na ang kanilang guro ay sugatan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sumali sa Math Sayaw competition sa Cebu city ang mga Grade 11 na estudyanteng ito.

Samantala, nagbigay din ng opisyal na pahayag ang DepEd Bayawan City ukol sa pagkamatay ng mga estudyanteng sina Christian Buenconsejo, 17; Kevin Aguilar, 14; Joshua Busmeon, 18; at kambal na sina Cherry Rose at Cherry Ann Kadusale, 17 taong gulang.

Nai-burol ang mga labi sa Eterna Funeral Chapel in Barangay Daro, Dumaguete City at naiuwi ang mga ito noong Sabado, Marso 2.

Nakikidalamhati ang DepEd sa pagkasawi ng limang estudyante habang nakaalalay naman sila sa ilang estudyanteng kasalukuyan pang nagpapagaling.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Gretchen Barretto has a message for niece Dani Barretto amid issue with Kier Legaspi

Gretchen Barretto has a message for niece Dani Barretto amid issue with Kier Legaspi

Gretchen Barretto has a message for niece Dani Barretto amid issue with Kier Legaspi
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel