5 World-class talented Pinoys na nagmarka sa mga sikat na international talent shows

5 World-class talented Pinoys na nagmarka sa mga sikat na international talent shows

Sa mga nakalipas na mga taon, marami na tayong mga nabasa, narinig, at nakita na mga napaka talentandong mga Pinoy na nakipaglaban sa iba't ibang uri ng talent shows.

Pero iba rin ang saya at pride na dala na makakita ng mga Pinoy na nakikipaglaban sa world stage lalong lalo na sa kantahan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngayon, babalikan at sisilipin ng KAMI ang lima sa mga world-class talented Pinoys na tunay talagang nagmarka sa mga sikat na international talent shows gaya ng American Idol, America's Got Talent, X-Factor, at The World's Best.

1. Jasmine Trias

Si Jasmine Trias ay isa sa mga world-class ang ganda at talento na Pinay na sumali sa American Idol.

Ayon pa sa backtory ng American Idol, siya ang kauna-unahang Pinay na nakapasok sa 'Final Three' ng 3rd season ng show noong 2004.

Nakasama niya sa naturang season na makapasok sa top 12 ang kapwa Pinay na si Camile Velasco pero na-eliminate sa Top 9 round.

Kasama rin niya dito ang multi-awarded singer-actress Jennifer Hudson at inuwi naman ni Fantasia Barrino ang panalo.

Isa sa mga signature performance ni Jasmine sa show ay ang 'Inseparable' ni Natalie Cole.

2. Jessica Sanchez

Isa pang Pinay na talaga namang bumida ng todo at husto sa American Idol stage ay si Jessica Sanchez.

Ang akala ng marami na siya ang makakauwi ng big win sa 11th season ng sikat na talent show.

Pero naiuwi ito ni Phillip Phillips.

Kung 'Inseparable' ang tila signature song ni Jasmine Trias, 'The Prayer' naman ang kay Jessica Sanchez na kinanta niya sa audition at sa final round ng show.

Maraming mga kanta na kinanta ni Jessica na talaga namang minahal ng marami gaya ng 'I Will Always Love You, Dance With My Father, Stuttering, at Sweet Dreams ni Beyonce na fineature pa ng huli sa kanyang website.

Runner-up si Jessica kay Phillip Phillips.

At ang duet niya kay Jennifer Holiday para sa kantang 'And I Am Telling You I'm Not Going' sa final round ay talaga namang pinag-usapan at nag-viral worldwide.

3. 4th Impact

Winasak naman ang bubong ng Wembley arena ng apat na magkakapatid na sina Almira, Irene, Mylene and Celina Cercado sa kanilang audition sa 12th series ng X-Factor UK.

Nauwi nila ang 5th place sa naturang kompetisyon.

4. Angelica Hale

Unang sumali si Angelica Hale sa America's Got Talent noong 2017 at umuwi bilang 1st runner-up sa winner ng naturang taon na si Darci Lynne Farmer na isang ventriloquist.

Ang batang Pinay ay ang kauna-unahang contestant ng nasabing show na nakakuha ng dalawang Golden Buzzer.

5. TNT Boys

At ngayon naman ay bumibida ang TNT Boys sa The World's Best na talaga namang pinahanga ang lahat sa kanilang rendisyon ng 'And I Am Telling You.'

Napaluha pa ang host nito na si James Corden at mukhang fan na fan ng huli ang mga bata dahil pina-guest niya ito sa kanyang The Late Late Show na parehong trending at viral.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask Filipinos on ‘How To Get Over Your Ex.’

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Teddy Corpuz breaks his silence on alleged disbandment of 'Rocksteddy'

Teddy Corpuz breaks his silence on alleged disbandment of 'Rocksteddy'

Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel