'Momo challenge', may ibang motibo di umano sa mga nabibiktima nito

'Momo challenge', may ibang motibo di umano sa mga nabibiktima nito

- May mas nakaalarmang motibo raw di umano ng 'Momo challenge'

- Dahil sa orihinal na konsepto nito na tawagan si Momo, sinasabing ito ay isang paraan ng pag-hack ng impormasyon mula sa ginamit na device o gadget ng biktima

- Sinasabi rin na tila media na lamang ang nagpalala sa isyu ng 'Momo challenge' sa buong mundo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hanggang ngayon, gumagawa pa rin ng ingay ang 'Momo challenge' na pinaniniwalaang naging dahilan ng pagpapatiwakal ng ilang kabataan.

Ang ilan ay nagsasabing maging sa mga videos na matatagpuan sa internet channels na pambata ay kinapapalooban na rin ng mga nakaalarmang tema gaya ng pagpapakamatay at pananakit sa kapwa at sarili.

Isang Facebook page ang nagbigay linaw na tila iba ang motibo ng Momo challenge na ito sa kanilang mga biktima.

Ayon sa "I f****** love Science", isang uri daw ng pag-hack sa mga gadgets ang sinasabing motibo ng Momo challenge na ito.

Dahil sa ang orihinal na konsepto nito ay mula sa WhatsApp, kung saan kailangang tumawag ng biktima kay Momo, sa ganitong paraan nagkakaroon ng access di umano ang cellphone sa sistema ng Momo challenge at nakakukuha ng impormasyon mula sa gadget na ginagamit.

Ito ay base sa ulat ng BBC at nagbigay rin sila ng paalala na pangaralan ang mga anak na huwag bastang magbibigay ng impormasyon online sa mga taong di nila kilala.

Lumalabas na ang 'Momo challenge' na ito ay pakana ng mga hackers na ang maaring totoong motibo ay ang magnakaw ng impormasyon sa tao at magamit ito sa kung anumang nakaalarmang gawain.

Nakalulungkot lamang isipin na lumala na ito at pinaniniwalaang dahilan ng pagkamatay ng ilang kabataan buong mundo kabilang na ang isang 11 anyos na bata dito sa Pilipinas.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Comelec asks DOH to take down Bong Go’s ‘Malasakit Center’ posters

Comelec asks DOH to take down Bong Go’s ‘Malasakit Center’ posters

Comelec asks DOH to take down Bong Go’s ‘Malasakit Center’ posters
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel