Photographer, natagpuan ang kanyang ama pagkatapos ng 25 taon

Photographer, natagpuan ang kanyang ama pagkatapos ng 25 taon

-Hindi inaasahan ng photographer na si Diana Kim na sa pamamagitan ng kanyang hilig sa larawan ay muling matatagpuan ang amang nawalay sa kanya

-25 taon na nang magkahiwalay ang ama at ina, at mula noon ay 'di na niya nakita pa ang ama

-Ngunit habang siya ay kumukuha ng mga larawan ng mga pulubi sa daan, nadiskubre niyang isa sa mga ito ang kanyang tatay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

25 taon na nang magkahiwalay ang mga magulang ng Korean-American photographer na si Diana Kim.

At mula noon ay nawalan na siya ng balita sa kanyang ama.

Ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon habang kumukuha siya ng mga larawan ng mga pulubi sa daan, nadiskubre niyang isa sa mga ito ang kanyang ama.

Photographer, natagpuan ang kanyang ama pagkatapos ng 25 taon

Photo source: PTAMA.Net
Source: Facebook

Ayon sa isang artikulo ng PTAMA.Net, simula ng magkahiwalay ang mga magulang ni Diana ay nagsimula na silang maghirap mag-ina.

Naranasan din nilang makitira o makitulog sa mga kamag-anak at may mga pagkakataong natulog sila sa parke at sa loob ng kotse.

Sa kabila nito, itinuring niya itong hamon ng buhay upang mas maging matatag pa.

Kaya naman naging paborito niyang subject ang mga pulubi o mga taong walang tirahan sa kanyang mga larawan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At dahil dito, muli niyang nakita ang amang nawalay sa kanya, ngunit sa kasamaang palad ay 'di na siya nito nakilala pa dahil sa sakit.

Photographer, natagpuan ang kanyang ama pagkatapos ng 25 taon

Photo source: PTAMA.Net
Source: Facebook

Pero hindi tumigil si Diana na ipakilala ang sarili sa kanyang ama. Palagi niya itong dinadalaw at hindi siya huminto.

Hanggang sa isang araw ay may tumawag sa kanya at sinabing inatake sa puso ang kanyang tatay.

Sa kabutihang palad ay nailigtas ito at ginamit na ni Diana ang pagkakataon para maipagamot ang kanyang ama.

Unti-unti ay gumaling rin ito at nakilala na rin siya sa wakas.

Ayon sa report, nasa maayos nang kalagayan ang ama ni Diana at kasalukuyang may maayos nang trabaho.

Photographer, natagpuan ang kanyang ama pagkatapos ng 25 taon

Photo source: PTAMA.Net
Source: Facebook

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Video of Pokwang and Malia's epic Boracay adventure goes viral

Video of Pokwang and Malia's epic Boracay adventure goes viral

Video of Pokwang and Malia's epic Boracay adventure goes viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel