Grade 6, tinangka umanong dukutin ng isang lalaking sakay ng 1 van

Grade 6, tinangka umanong dukutin ng isang lalaking sakay ng 1 van

-Tinangka umanong dukutin ng isang lalaking nasa 40-anyos na nakasakay sa isang puting van ang isang grade 6 na babaeng estudyante

-Dahil sa pangyayaring ito, hindi nakakapasok ang bata sa eskwelahan dahil sa labis na takot

-Patuloy naman itong iniimbestigahan ng mga pulis lalo pa wala namang nakitang van na malapit sa eskwelahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naghihintay lang daw sa labas ng Pajac Elementary School ang isang grade 6 na babaeng estudyante sa kanyang ina na may dala ng kanyang baon.

Nang bigla na lang umanong may humintong puting van sa kanyang harapan at inaya umano siya ng driver nito na sumakay na.

Ayon umano sa driver ng van na tinatayang nasa 40-anyos, kikitain umano nila ang kanyang ina.

Dahil sa takot, tumakbo raw ang estudyante pabalik sa kanilang eskwelahan.

Grade 6, tinangka umanong dukutin ng isang lalaking sakay ng 1 van

Photo source: Getty Images / Photo for illustration only
Source: Getty Images

Dahil sa nangyari, tila na-trauma ang bata at hindi nakapasok. Nilagnat pa ang bata at ayon sa ina nito ay takot na takot.

Ganunpaman, ayon naman kay Mactan Police Station Chief Inspector Miguel Andeza, hindi pa sigurado kung ang insidente ay tangka ngang pagdukot.

Ayon kasi sa report ng Sun Star Cebu, nang mapanood ang kuha ng CCTV sa mga oras na sinabi ng bata ay wala naman silang nakitang puting van malapit sa eskwelahan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit may dalawang van silang nakita ilang metro ang layo mula rito.

Sabi naman ng principal ng nasabing eskwelahan, isang mabuting estudyante ang bata at tila hindi nito magagawang mag-imbento ng kwento.

Sinabi rin nitong humingi na sila ng tulong mula sa barangay at mga pulis para sa dagdag seguridad sa kanilang eskwelahan.

Sinabi rin sa report ng Sun Star na hanggang sa ngayon ay takot na takot pa rin ang bata at ayaw pa ring pumasok sa eskwelahan.

Nilinaw rin nito na totoo ang lahat ng kanyang sinabi. Sinabi nitong sigurado siyang Pinoy ang driver ng van ngunit 'di siya sigurado kung may iba pa itong kasama sa loob ng van.

Laking-pasalamat naman ng ina ng bata na hindi napahamak ang kanyang anak at nangakong palagi nang ihahatid at susunduin ito sa eskwelahan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Vice Ganda reveals to Charo Santos what Kapamilya show would frequently overtime

Vice Ganda reveals to Charo Santos what ABS-CBN show frequently overtimes

Vice Ganda reveals to Charo Santos what ABS-CBN show frequently overtimes
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel