Mga larawan ng babaeng lakas loob na 'naka-bіkіnі', umani ng papuri

Mga larawan ng babaeng lakas loob na 'naka-bіkіnі', umani ng papuri

- Umani ng papuri ang mga larawan ng netizen na si Argyl Laura

- Pinaliwanag niya sa caption ng kanyang Facebook post ang depinisyon ng pagiging "seksi"

- Marami ang natuwa sa positibong pananaw sa buhay ng netizen na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang mga larawan ni Argyl Laura kung saan iba't ibang bіkіnі ang suot niya sa iba't ibang beach na kanyang pinuntahan.

Ayon sa caption ng kanyang post, di raw kailangang maging payat o magpapayat upang makapagsuot ng swimsuit lalo na ang bіkіnі.

"Sexiness isn’t defined by your shape. It’s your attitude and the way you feel about yourself. I’m promoting #bodypositivity. Do not let the society dictate what you like/love to wear," ang pahayag niya ukol sa pagbabahagi niya ng kanyang mga "seksing" larawan.

Dahil dito, umani ng papuri mula sa mga netizens ang viral post na ito ni Argyl.

Katunayan, marami ang humanga sa kanya sa lakas ng kanyang loob at positibong pananaw tungkol sa pagtanggap ng inyong kaanyuan.

Marami na rin ang nag-share ng kanyang mga larawan upang ipakita ang positibo nitong mensahe lalo na sa mga kababaihan.

Layunin nito na ipaalam na ang pagiging "seksi" ay di lamang nasusukat kung gaano ka kapayat.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang nakakataba ng pusong komento ng mga netizens:

"Thank you for all the body confidence you put out to this toxic world, Argyl!! Super love you!!"
"Nasa pagdadala lang talaga yan! Go girl!"
"Ganda naman ..hope to meet u po"
"I agreed gurl. Those bashers deserves to be on the trash. They're not helping to be better."
"Galing galing sis. Di lang mabait, sexy pa."
"Nakaka-inspire ka po, sa mundo ngayon na nakaka-pressure ang pagpapapayat, eto ka, pinakita ang depinisyon ng tunay na kagandahan at kaseksihan"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
7 ladies who rocked the red carpet at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night

7 ladies who rocked the red carpet at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night

7 ladies who rocked the red carpet at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel