Tricycle driver na naningil ng ₱550 imbis na ₱50, may sakit daw ang anak kaya ito nagawa

Tricycle driver na naningil ng ₱550 imbis na ₱50, may sakit daw ang anak kaya ito nagawa

- Nasakote na ang tricycle driver na nanggipit sa mga pasahero sa viral video

- Paliwanang ng driver, may sakit daw ang kanyang anak noon at kailangan lamang niyang makabili sana ng gamot

- Napag-alaman pang nanghiram lamang ng trcycle ang driver na nakilalang si Jess Addongay nang araw na iyon upang ipasada

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natugis na ang tricycle driver sa viral video na naniningil ng ₱550 imbis na dapat ay ₱50 lamang.

Ayon sa ABS-CBN na nakapanayam ng nabiktimang pasahero na si Kristopher Magpantay, nagpahatid umano sila ng kanyang mga kasama mula Vito Cruz hanggang sa malapit na sa SM Mall of Asia.

(Video mula sa Pilipino Star Ngayon)

Una raw sinabi ng driver na ₱50 lamang ang singil ngunit nang sila ay nakarating na sa destinasyon, nilinaw at giniit niyang ₱550.

Doon na nagsimula ang pagtatalo na nakunan ng video at ngayon ay viral na.

Nadakip na ang driver na nakilalang si Jess Addongay.

Paliwanag ni Jess, may sakit ang kanyang anak noong araw na iyon kaya niya nagawang taasan ang singil ng pasahe niya sa tricycle.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dagdag pa ng driver, nanghiram pa umano siya ng pera sa kapwa niya tricycle driver para parin sa anak. matumal kasi ang kita niya nang araw na iyon.

“Noong araw na 'yun, sir, mahina po ang biyahe ng pedicab, humiram ako sa kaibigan ko para pambili ng gatas atsaka may sakit po ang anak ko, sir. Pambili ng para sa sipon at lagnat,” ani Jess.

Hiniram lang din ni Jess ang tricycle nang araw na iyon na kanyang pinamasada marahil sa tindi ng pangangailangan niya para sa gamot ng anak.

Humingi na rin ng tawad si Jess sa kanyang ginawa na di naman na niya tinanggi pa.

Samantala, di na tuluyang nagsampa ng reklamo si Kristopher at binalaan na lamang ng awtoridad si Jess.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Gretchen Barretto has a message for niece Dani Barretto amid issue with Kier Legaspi

Gretchen Barretto has a message for Dani Barretto amid issue with Kier Legaspi

Gretchen Barretto has a message for niece Dani Barretto amid issue with Kier Legaspi
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel