27-anyos, nagkaroon ng komplikasyon dahil 17 beses nagpalaglag

27-anyos, nagkaroon ng komplikasyon dahil 17 beses nagpalaglag

-Hindi na muli pang mabubuntis ang isang babae sa China matapos niyang magpalaglag ng 17 beses

-Ayon sa report, hindi pa rin daw kasi handa ang babae na magkaroon ng responsibilidad

-Pinigilan pa umano ito ng doktor sa huling pagkakataon ngunit hindi pa rin ito nagpaawat sa pagpapalaglag

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang babae mula sa Hubei, China ang hindi na muli pang magkaka-anak matapos na maging kasing nipis na lamang ng papel ang lining ng kanyang matris.

Ang 27-anyos na babae na itinago sa pangalang Xiao Ju ay nagpalaglag ng 17 beses sa loob ng anim na taon, ayon sa report ni Yddette Civ Alonzo-Cruz ng The Asianparent.

Napag-alaman ng KAMI na ang nobyo ni Xiao Ju sa loob ng anim na taon at ang dalaga ay hindi gumagamit ng kahit na anong contraceptives.

Ayon din sa report, sinubukan pa umano siyang pigilan ng head ng gynecology na si Dr. Zhao Qin ng Shiyan Maternity and Child Health Care Hospital na huwag nang ituloy ang huli.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit hindi pa umano handa ang dalaga na magkaanak at magkaroon ng pamilya kaya natuloy pa rin ang pagpapalaglag nito sa kabila ng babala ng doktor nito.

Sabi sa report, ipinaliwanag naman ng doktor na masyadong napinsala ang matris ni Xiao Ju dahil sa rami ng pagpapalaglag nito.

Hindi pa rin daw nakaka-rekober ang matris ng dalaga mula sa mga naunang procedure.

Samantala, napag-alaman rin ng KAMI na ang mga sanggol na ipinanganak mula sa dalawang tao na hindi kasal sa bansang China ay hindi binibigyan ng mga benepisyo.

Maging ng karapatan na mapag-aral ng kanilang gobyerno.

Sa Pilipinas, hindi legal ang pagpapalaglag at matatanggalan ng lisensiya ang sinumang doktor na magsagawa nito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Video of Pokwang and Malia's epic Boracay adventure goes viral

Video of Pokwang and Malia's epic Boracay adventure goes viral on social media

Video of Pokwang and Malia's epic Boracay adventure goes viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel