Dating co-host ni Kris Aquino, may payo sa kanya

Dating co-host ni Kris Aquino, may payo sa kanya

- Dating co-host ni Queen of All Media Kris Aquino, may ibinigay na payo sa kanya

- Sa bagong balita na kinasasangkutan ng sikat na social media personality ay tila nag-aalala ang dating kasamahan

- Ginamit nito ang kanyang social media page para iparating ang kanyang payo kay Kris

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman ng KAMI na nagparating ng pag-aalala kay Kris Aquino ang dating co-host nito sa dating showbiz-oriented talk show sa Kapuso network.

Ito ay walang iba kung hindi si Lolit Solis na talaga namang nagdepensa kay Kris ng maraming beses sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Ngayon, sa isyu tungkol sa stint nina Bong Go at ama ng panganay ni Kris na si Phillip Salvador, nagbigay na naman ng opinyon ang kolumnista at dating kasamahan ni Kris sa Startalk.

Bungad pa niya sa kanyang post:

"Now Salve feel ko ang mababang tolerance ni Kris Aquino sa pain. Kung nun siguro nangyari iyon biruan nila Sec. Bong Go at Phillip Salvador hindi iyan papansinin ni Kris, baka tawanan niya lang. Pero now na parang ang dami niyang problema, siguro nga very sensitive siya. I feel bad for her kasi ang sense of humor ni Kris ok din, hindi naman iyan madaling mapikon, kaya medyo nabigla ako na nagalit siya sa biro ni Sec. Bong Go. Humingi na ng tawad at nagsabing hindi na uulitin si Kris never nagkarun ng mean bone, but siguro nga iba ang feeling niya now. Medyo low nga siguro emotional state niya kaya medyo madali rin mag-react."

Sa huli ay pinayuhan niya si Kris na bumalik sa kanyang dating sarili na pinagtatawanan lang daw ang ganitong mga isyu.

Pagtatapos pa ni Lolit Solis sa kanyang post:

"Go back to your old self Kris, the laughing, easy going girl you used to be before. Take out your sadness, just be happy and carefree again. It will be yours again, just wait."

Ibinahagi namin kamakailan din ang pagbulgar ni Kris sa pagdetalye raw ni Rosanna "Osang" Roces sa "affair" umano nila ni Phillip "Ipe" Salvador noon habang magkarelasyon pa raw sila nito.

Si Lolit Solis at Kris Aquino ay dating kasamahan sa Startalk kung saan kasama rin nila si Boy Abunda noong 2014.

Isa ring entertainment writer si Lolit Solis at may inaalagaan ding mga artista.

POPULAR: Read more news about Lolit Solis here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask Filipinos on ‘How To Get Over Your Ex.’

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
7 ladies who rocked the red carpet at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night

7 lovely celebs who stunned everyone at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night

7 ladies who rocked the red carpet at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel