Kris Aquino, ibinulgar ang pagdetalye raw ni Rosanna Roces sa "affair" nila ni Phillip Salvador

Kris Aquino, ibinulgar ang pagdetalye raw ni Rosanna Roces sa "affair" nila ni Phillip Salvador

- Kris Aquino, hindi napigilang ibulgar ang pagkakaroon ng "affair" umano ng mister noon na si Phillip Salvador kay Rosanna "Osang" Roces

- Sampal daw sa mukha ni Kris ang pagdetalye raw ni Osang sa naturang "affair" nila ni Ipe

- Ito ay kaugnay sa tugon ni Kris sa viral na skit ni Bong Go at Phillip Salvador

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pinag-uusapan pa rin ang biro ng dating SAP ni President Rodrigo Duterte na si Bong Go na isang skit umano nila ni Phillip Salvador na dating mister naman ni Kris Aquino at ama ni Josh.

Napag-alaman ng KAMI ang pagbulgar ni Kris Aquino na nagkaroon pala ng "affair" sina Rosanna "Osang" Roces at Ipe noong mag-asawa pa sila ng huli.

Ani pa ni Kris:

“Sampal din sa mukha ko nung dinitalye ni Rosanna Roces ‘yung affair nila habang kami pa mag-asawa.”

Gayunpaman, inako ni Kris ang pagkakamali.

Ayon pa sa kanya:

“But again, that’s my fault. Sumama ako sa isang lalaki na hindi pa annulled.”

Dumagsa naman ang maraming reaksyon sa naturang Facebook Live ni Kris, na ngayon ay umabot na sa halos isang milyon ang views at libo-libong komento at reaksyon.

Si Kris Aquino ay 23 years old nang magkarelasyon sila ni Phillip Salvador na ama rin ng kanyang panganay na anak na si Josh.

Ngayon, 23 years old na si Josh.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask Filipinos on ‘How To Get Over Your Ex.’

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’

Teddy Corpuz breaks his silence on alleged disbandment of 'Rocksteddy'

Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel