Larawan ng batang mula sa piraso ng kahoy, goma at refill ng ballpen ang panulat, nag-viral

Larawan ng batang mula sa piraso ng kahoy, goma at refill ng ballpen ang panulat, nag-viral

- Naantig ang mga puso ng netizens sa larawan ng batang lalaki na kakaiba ang panulat

- Sa kabila raw kasi ng kawalan ng gamit ng bata, nagsusumikap pa rin itong pumasok sa paaralan

- Hangad ng karamihan ng netizens na matulungan ang bata upang maging mas maayos ang kanyang pag-aaral

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natunaw ang puso ng karamihan ng netizens na nakakita ng larawan ng batang lalaking kakaiba ang panulat.

Binahagi ng Philippine Star ang mga larawang kuha ni Maricor Baculanta kung saan gawa sa piraso ng kahoy, goma, at refill lamang ng ballpen ang panulat ng bata.

Kahit di maayos ang kanyang gamit sa eskwela, masigasig pa rin daw itong pumapasok sa paaralan.

Di man nabanggit sa naturang post, ngunit marahil nasira ang ballpen ng bata at inisip niyang isalba ang tinta nito kaya gumawa siya ng magiging hawakan ng panulat.

Halatang hirap ang bata sa ginawa lamang niyang ballpen pero nagawa pa rin nitong magsulat ng pinagagawa ng guro.

Ayon sa post, taga-Santa Rita, Samar ang batang lalaki na ito at hangad sana ng mga netizens na mabigyan ito ng mga gamit sa paaralan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens na humanga rin sa pagiging masikap at maabilidad ng mag-aaral:

"kaya mag aral ng mabuti anak. Tignan mo yun bata o. Nakakaiyak"
"If the government focuses more on education, these scenarios shouldn't be happening. Go for it kid. You have a future ahead of you. And i hope it's bright. Election is happening soon. Way to go kid. Keep it up."
"Sana sa twing nkkakita tau ng mga ganto.. isend agad natin sa social media para matulungan"
"Hi po. I'm kim from lipa batangas. Where can I find him or where can I donate some school supplies po for him? Thankyou po sa makakapansin."
"You can be somebody someday boy! God bless u!"
"Where can I send supplies for him?"
"San kpo pwede makita tong batang to? please pm me.."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Dalagang maagang naulila sa magulang, may mensahe para sa mga ito

Dalagang maagang naulila sa magulang, may mensahe para sa mga ito

Dalagang ga-graduate, may nakakaiyak na mensahe sa pumanaw na mga magulang
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel