8 'One-name' Pinoy stars at ang kanilang tunay na mga pangalan

8 'One-name' Pinoy stars at ang kanilang tunay na mga pangalan

Isa sa mga tinitingnan daw ng mga talent managers sa showbiz ay ang magiging pangalan ng kani-kanilang mga alaga.

Kinokonsider umano nila kung gaano kalakas ang impact o hatak ng pangalan ng kanilang talents sa mga tao dahil isa rin ito sa mga istilo ng pagma-market nila sa kanila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Spotted ng KAMI ang totoong mga pangalan ng 8 Pinoy stars sa showbiz na may isang pangalan.

1. Karylle

Ang totoong pangalan ng magandang It's Showtime host at panganay ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla na si Karylle ay Ana Karylle Tatlonghari-Yuzon.

Yuzon bilang ikinasal siya sa bokalista at gitarista ng Sponge Cola na si Yael Yuzon noong 2014.

2. Kyla

Melanie Hernandez Calumpad-Alvarez naman ang true at complete name ng R&B singer-songwriter na si Kyla.

Alvarez bilang ikinasal siya sa basketbolista na si Rich Alvarez noong 2011.

3. Jaya

Ang tunay at full name naman ng multi-awarded na soul singer-rapper na si Jaya ay María Luisa Ramsey Kagahastian-Gotidoc.

Gotidoc dahil ikinasal siya sa mister niya ngayon na si Gary Gotidoc noong 2006, ayon pa sa naunang balita ng GMA News Online.

4. Nina

Marifil Nina Barinos Girado-Enriquez naman ang true at complete name ni Nina.

Enriquez dahil ikinasal siya sa kanyang mister ngayon na si Enrico Enriquez noong 2009.

5. Tekla

Ang isa sa pinakasikat na komedyante ngayon na si Tekla ay malayo naman ang tunay na pangalan sa kanyang showbiz name.

Ayon pa kay Al Kendrick Noguera ng gmanetwork.com, Romeo Librada raw ang totoong pangalan ni Tekla.

6. Gloc-9

Sa Instagram page naman ni Gloc-9, ibinahagi niya ang kanyang true at full name.

Aristotle Pollisco pala ang tunay na pangalan ng sikat na rapper.

7. Abra

Raymond Abracosa naman ang totoong pangalan ng sikat na batang rapper na si Abra.

8. Mahal

Noemi Tesorero naman ang totoong pangalan ni Mahal.

Ibinahagi din namin noon ang tunay na mga pangalan ng mga sikat na mga artista.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask Filipinos on ‘How To Get Over Your Ex.’

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’

Teddy Corpuz breaks his silence on alleged disbandment of 'Rocksteddy'

Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel