"Human (heart) Nature", hinangaan sa araw-araw na pagpapa-almusal sa mga batang lansangan

"Human (heart) Nature", hinangaan sa araw-araw na pagpapa-almusal sa mga batang lansangan

- Isang netizen ang nagbahagi ng larawan ng branch ng Human (heart) Nature na namimigay ng pagkain sa mga batang lansangan

- Maging ang mga matatanda ay nababahaginan din nila ng almusal

- Hinangaan din mga netizens ang ginagawa na ito ng kompanya dahil tahimik pala silang naghahatid ng tulong sa mga kababayan nating nangangailangan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang larawan ng sikat na local brand ng beauty products na Human (heart) Nature dahil sa "tahimik" pala itong tumutulong sa kapwa.

Ayon sa post ni Brit Abundo Saquilon, araw-araw siyang napapadaan sa branch na ito ng Human (heart) Nature at wala raw itong mintis sa pagbibigay ng libreng almusal sa mga batang kalye.

Mapapansin din sa larawan na maging ang matatanda ay binibigyan nila ngunit ang prayoridad ay ang mga bata.

Nalaman ng KAMI na humanga ang netizen sa pagsisikap ng kompanya na maghanda ng ipakakain sa mga nagugutom araw-araw. Kahit manlang almusal ay malamnan ang mga sikmura ng mga batang ito na maaring walang kasiguraduhan ang kakainin sa maghapon.

Ayon naman sa ibang komento ng netizen, kapag bumili ka pa raw sa branch na iyon, may libreng kape at tinapay pa sila.

Sa Commonwealth ang naturang branch na ito.

Samantala, natuwa ang mga netizens na tumatangkilik sa produktong ito. Maganda raw sa kanilang kalooban na ang pagbili nila sa Human (heart) Nature ay nakatutulong pala sa mga kababayan nating nangangailangan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"That is the True Human Nature. Handang Tumulong Ndi ung magpapakain dahil need ng votes"
"Yung pinang gift mo pla smen at good cause"
"Supportahan ninyo mga products nila! Mga shampoo, soap, and toothpaste. di ko sure kung may iba pa silang product."
"Actually may free coffee din sila sa mga client nila basta parang may mini coffee shop sila dyan sa branch nila in cwealth"
"kaya pagpapalain ang mga ganyang kumpanye eh....sana all!!!"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano andEnrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Middle-aged na babae, ibinahagi ang kanyang sikreto para magmukhang bata

41-anyos na babae, napagkakamalang 20-anyos lang dahil sa batang itsura

41-anyos na babae, napagkakamalang 20-anyos lang dahil sa batang itsura
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel