10 taong gulang na Pinay, nabigyan ng "golden buzzer" sa Asia's got Talent 2019

10 taong gulang na Pinay, nabigyan ng "golden buzzer" sa Asia's got Talent 2019

- Di nagdalawang isip na pindutin ni David Foster ang golden buzzer para sa 10 taong gulang na si Eleana Gabunada

- Kinanta ni Eleana ang "Don't Rain on My Parade" at nangangarap siyang maging isang broadway star balang araw

- Gaya ni Eleana, nakatanggap din ng golden buzzer si Shadow Ace na isa ring Pinoy sa Asia's got Talent 2019

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila nagsisimula nang magkatotoo ang mga pangarap ng 10 taong gulang na si Eleana Gabunada nang makakuha ito ng 'golden buzzer' sa Asia's got Talent.

Ayon sa ABS-CBN news, kinanta ng batang Pinay ang "Don't Rain on My Parade" na siyang nagpahanga kay David Foster.

Dahil sa kanyang makabagbag damdaming pagkakaawit, di nagdalawang isip si David na pindutin ang golden buzzer para kay Eleana na magiging susi niya diretso sa semi-finals.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"There's a lot of people much older than you that could sing that song but they don't understand the genre, they don't know what they're supposed to be doing," ani ni David kay Eleana.
"But somehow at the age 10, you understand your mission and your job. And there's no doubt in my mind that if you want to be in Broadway one day, you will be," dagdag pa nito.

Nabanggit kasi ng bata na nais niya talagang maging bahagi ng mga broadway shows na di raw talaga malayong mangyari ayon kay Foster.

Tinawag pa umanong "Baby Streisand" si Eleana ng isa pang judge na si Anggun.

Paliwanag din na isa pang hurado na si Jay Park, patunay na mahusay ang batang Pinay dahil napatayo nito si David habang pumapalakpak sa kanya.

Si Eleana ang ikalawang Pinoy na nagkamit ng golden buzzer sa paligsahan ngayong taon.

Maaalalang anim na araw lang ang nakalipas nang mabigyan din ang Pinoy 'hand shadow artist' na si "Shadow Ace"ng golden buzzer na una na ring naibalita ng KAMI.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinoy contestant sa The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan

Pinoy contestant sa The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan

Pinoy contestant sa The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel