Ina, nadiskubre sa cellphone ng anak ang pagsali sa nakakamatay na Blue Whale challenge

Ina, nadiskubre sa cellphone ng anak ang pagsali sa nakakamatay na Blue Whale challenge

- Isang ina ang isiniwalat ang tungkol sa Blue Whale Challenge na sinalihan ng kanyang anak

- Ito ay nag-uutos ng 50 na mga hakbang na kailangang sundin ng bata at kung hindi may masamang mangyayari umano sa kanya o sa kanyang pamilya

- Ang ika-50 na hakbang ay ang pagpapatiwakal ng bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang ina ang matapang na isiniwalat ang nangyari sa kanyang anak na babae kung saan ito'y sumali sa Blue Whale Challenge.

Nalaman ng KAMI na nadiskubre ito ng ina nang i-check niya ang laman ng cellphone ng 11-anyos na anak na babae.

Ayon sa video na inupload sa The Doctors, nakita ng ina na unang pinagawa sa bata ay ang pag-ukit ng F57 sa braso gamit ang razor.

Kailangan ding magpadala ng larawan bilang ebidensiya na sinunod nga ng participant ang mga utos.

Isa pang naging "utos" ay ang paggising sa dis-oras ng umaga at manood ng nakakatakot na pelikula.

Di lang yan, may mga hakbang na nag-uutos sa bata na huwag makipag-usap sa kahit kanino buong araw.

May 50 na hakbang na kailangang sundin ng bata at ang pinakamalalang hakbang ay ang katapusan, kung saan inuutusan na ang batang magpatiwakal.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mabuti at naagapan ng ina ang anak, pero may isang mag-asawa na di na nila naabutang buhay ang lalakeng anak.

Nakita na lang nila itong nakaupo sa floor ng cabinet at may tali na ang leeg.

Ang batang namatay ay sumali rin sa Blue Whale challenge at ang kanyang cellphone ay ilang metro lang ang layo sa kung saan siya natagpuang wala nang buhay ng mga magulang.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Want to know the "Firsts" of LizQuen. Liza and Enrique play the "Firsts" game. Watch it here.

Source: Kami.com.ph

Related news
Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel