Aktwal na video nang pagbalibag ng 1 guro sa 3-anyos sa loob ng day care

Aktwal na video nang pagbalibag ng 1 guro sa 3-anyos sa loob ng day care

-Nagtamo ng pitong tahi sa ulo ang isang 3-anyos matapos itong ibalibag ng kanyang guro sa loob ng kanilang silid-aralan

-Sinabi pa umano nitong nahulog lamang ang bata at tumama ang ulo nito

-Ayon pa sa report, tinangka pa umanong itago ng principal ang pangyayari na nakuhanan ng CCTV

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagtamo ng pitong tahi ang isang 3-anyos na bata na nakuha nito mula sa mismong guro nito sa day care center.

Na-i-report na isinugod pa ang bata sa isang ospital matapos tumawag ng guro sa 911 at sinabing nadulas lamang ito sa carpet at tumama ang ulo.

Ngunit limang araw pagkatapos ng insidente, nadiskubreng hindi aksidente ang nangyari sa kawawang bata.

Sa isang CCTV footage na kuha mismo sa loob ng silid-aralan ng Brighter Day Care and Preschool, makikitang ibinalibag ng guro ang biktima.

Ito ang nakita ng mga magulang ng bata nang panoorin nila ang CCTV kasama ang direktor ng nasabing day care.

Ngunit may iba pang napansin ang abogado ng pamilya sa insidente.

“The day care could’ve reviewed that footage at any time.

They didn’t and they allowed the day care worker who assaulted this little girl, to continue to work at the facility for five additional days.” anito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“In no world did this family have any idea that what was called a fall was actually an assault until they came to see that video.

One of the more egregious aspects of this case is that the daycare director told the family that she did not watch the surveillance tape until the family was with her.” dagdag pa nito.

Agad naman daw sinibak ang guro pagkatapos mapanood ng direktor ng day care at mga magulang ng bata ang kuha ng CCTV.

Hindi pa muling nagbibigay ng pahayag ang eskwelahan ngunit naglabas ito ng statement na nagsasabing ang kanilang mga staff ay well-qualified.

Samantala, napag-alaman ng KAMI na hindi pala ito ang unang insidente ng pananakit sa mga bata sa nasabing day care.

Mayroong naitalang dalawang kaso noong 2016 at isa noong 2018.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
8-anyos, sinupalpal ang babaeng ipinahiya ang kanyang ina

8-anyos, sinupalpal ang babaeng ipinahiya ang kanyang ina

Batang babae, ipinagtanggol ang inang nagpapa-breastfeed mula sa namahiya dito
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel