Dating puto at kutsinta vendor, naigapang ang pag-aaral at ngayon ay ganap nang guro

Dating puto at kutsinta vendor, naigapang ang pag-aaral at ngayon ay ganap nang guro

- Napagtagumpayan ng isang puto at kutsinta vendor ang pagtatapos ng kolehiyo sa kanyang pagsusumikap

- 13 taong gulang pa lang siya nang magsimula siyang maglako upang may pangtustos sa pag-aaral

- Nagbunga naman ang kanyang pagsusumikap dahil ngayon, isa na siyang guro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay na kahanga-hanga ang kwento ng buhay ni Benjie Liloc na di kinahiya ang pagiging puto at kutsinta vendor bago siya maging isang guro.

Ayon sa SunStar, aminado si Benjie na nagmula siya sa mahirap na pamilya ng Balingoan, Misamis Oriental.

Nang maghiwalay nga ang kanyang mga magulang, halos ipamigay na sila ng kanilang ina at wala na itong maipakain sa kanilang magkakapatid.

Dahil dito, sa edad na 13, naisipan na niyang magtinda ng puto at kutsinta. Di ito naging madali sa kanya dahil may mga araw na mahina talaga ang kanyang kinikita.

Dala ng pagsusumikap, nagkaroon siya ng scholarship sa Misamis Oriental Institute of Science and Technology sa Balingasag, Misamis Oriental.

Ngunit isa na namang pagsubok ang hinarap noon ni Benjie dahil nalaman niyang di rin naman pala nababayaran ang sponsor ang kanyang matrikula.

Kaya naman naisipan muli ni Benjie na bumalik sa pagbebenta ng puto at kutsinta. Habang nagtitinda, naghanap muli siya ng sponsor na maaring magbigay sa kaya ng scholarship.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tila nakakuha siya ng swerte nang makapasa sa Governor Yevgeny Vincente Emano’s “Iskolar Ko Ni Bambi” (IKNB).

Ito na ang naging daan upang makapagtapos siya ng kolehiyo. Sa ngayon isa na siyang guro sa St. Marys Academy of Talisayan ng Talisayan, Misamis Oriental.

Isa si Benjie sa mga huwaran ng kasipagan at magandang halimbawa na di dapat sinusukuan ang pangarap dahil mapapasa-iyo naman ito sa takdang oras.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Gurong binibigay ang 80% ng sahod sa mahihirap, nanalo ng nasa ₱52 million

Gurong binibigay ang 80% ng sahod sa mahihirap, nanalo ng $1 million

Gurong binibigay ang 80% ng sahod sa mahihirap, nanalo ng nasa ₱52 million
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel