Amain, inaresto sa pagtatanggol sa kanyang 12 anyos na anak na biktima ng 'bullying'

Amain, inaresto sa pagtatanggol sa kanyang 12 anyos na anak na biktima ng 'bullying'

- Napasama pa ang lagay ng isang amain na pinagtanggol ang anak-anakan niya na biktima ng 'bullying sa kanilang paaralan

- Nagsumbong ang 12 anyos na batang babae na di umano'y inaasar ng dalawang kaklase niyang lalaki at nagawa pa siyang batuhin ng ice cream

- Nang makita ng amain ang mga batang lalaki, kinompronta niya ang mga ito at dala ng matinding emosyon, nasampal din niya ang dalawa dahilan para mamaga ang kanilang mga pisngi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang amain na nakilalang si James Olander Peace ang inaresto sa pananakit ng mga batang lalaking nam-bully di umano sa kanyang anak.

Ayon sa Ace news today, nagsumbong umano ang anak ni James na binu-bully umano siya ng dalawa niyang kaklaseng lalaki.

Sinasabihan ang 12 anyos na batang babae na pangit ang katawan nito at mukha itong "transvestite" o nagdadamit na pang-ibang kasarian. Nakuha pa umanong mambato ng ice cream ang dalawang batang lalaki at nanakot na pati bato ay itatapon sa batang babae.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, napasugod ang amain upang sunduin ang anak. Nang sila ay papauwi, nadaanan nila ang dalawang nam-bully sa batang babae.

Di napigilan ni James na masigawan ang mgasinasabing 'bullies' at ang sumunod pa rito, nagawa pa niyang masampal ang mga ito.

Lumabas sa report sa pulisya ng Deer Park, Texas, tinakot pa umano ni James ang mga batang lalaki na huwag magsusumbong kaninuman at kung hindi, bubugin niya ang mga ito.

Sa takot daw ng mga batang lalaki, di agad nakapagsumbong ang mga ito.

Tinanggi pa ng amain ang pananampal sa mga batang lalaki ngunit, nakunan pala ng surveillance camera ang pangyayari kung saan kitang kita ang pananakit ni James sa mga ito.

Depensa naman ng ina ng batang babae, huwag daw sanang kalimutan ang dahilan bakit nagawa ni James ang pananakit sa dalawang bully.

Samantala, dahil sa pag-atake sa mga menor de edad, inaresto at kinasuhan si James ng injury to a minor.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
41-anyos na babae, napagkakamalang 20-anyos lang dahil sa batang itsura

Middle-aged na babae, ibinahagi ang kanyang sikreto para magmukhang bata

41-anyos na babae, napagkakamalang 20-anyos lang dahil sa batang itsura
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel