5 Famous and successful Pinoy celebrities na nakahanap ng pagmamahal sa ibang magulang

5 Famous and successful Pinoy celebrities na nakahanap ng pagmamahal sa ibang magulang

Napag-alaman ng KAMI ang lima sa mga sikat at successful Pinoy celebrities na adopted pala at nakahanap ng pagmamahal sa ibang magulang.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa kabila ng kanilang pinagdaanan na sakit noong kabataan nila dahil sa pagkawalay mula sa mga tunay na mga magulay ay nahanap naman nila ang pagmamahal ng isang magulang sa ibang mga katauhan.

At ngayon, sila lang naman ay mga kilalang mga personalidad sa showbiz at beauty.

1. Dr. Vicki Belo

Sa kwento pa ni Dr. Vicki Belo sa cosmo.ph, bullied daw siya noong bata pa siya dahil sa kanyang timbang.

Ibinahagi niya sa naturang kwento na isa siyang 'adopted' dahil ang tunay niyang ina raw ay si Victoria Cancio.

Ang huli ay kapatid daw ng kanyang kinikilalang ina na si Nena Gonzales.

2. Aiai delas Alas

Hindi naman daw sekreto mula kay Aiai na inampon siya ng kanyang 'unmarried aunt' na si Justa delas Alas, ayon pa sa pagbahagi ng GMA News Online.

3. Angelica Panganiban

Sa naunang balita ng ABS-CBN News noong December 5, 2010, January 5 lang daw sa parehong taon nalaman ni Angelica Panganiban na adopted child pala siya.

Ito raw ay ibinahagi ni Angge sa 'tell-all interview' sa dating show na 'The Buzz.'

Ani pa ni Angelica:

“Noong high school ako may nagsasabi na sa akin na kilala ‘yong tunay kong nanay… Nag-start na akong mag-doubt [kasi] bakit may lumalabas na ganoon."

4. Mark Herras

Naibalita din sa The Asian Parent noon na proud son si Mark Herras sa gay parents niya.

Saad pa sa nasabing pagbahagi, pinalaki siya ng kanyang uncle at ang life-partner nito.

Pagsiwalat pa ni Mark:

"My parents are both gay. I'm proud sa parents ko (I'm proud of my parents)."

5. Angeline Quinto

Naging emosyonal naman umano si Angeline Quinto sa interview niya dati sa Magandang Buhay na una naming nalaman sa push.com.ph.

Sa tanong daw kung bakit mas pinili niya ang kanyang tiyahin kaysa sa kanyang biological mom, sagot naman ni Angeline:

“Kung wala po si Mama Bob, siguro wala ring pong Angeline ngayon. Kaya sabi ko sa sarili ko ipaparamdam ko kay Mama Bob yung mga dating pangarap niya lang, na sisiguraduhin mararanasan niya lahat ng magandang buhay.”

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask Filipinos on ‘How To Get Over Your Ex.’

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Gurong binibigay ang 80% ng sahod sa mahihirap, nanalo ng nasa ₱52 million

Gurong binibigay ang 80% ng sahod sa mahihirap, nanalo ng $1 million

Gurong binibigay ang 80% ng sahod sa mahihirap, nanalo ng nasa ₱52 million
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel