Pres. Duterte, ibinigay ang bahay sa Davao para sa mga cancer patients

Pres. Duterte, ibinigay ang bahay sa Davao para sa mga cancer patients

-Labis ang tuwang naramdaman ng House of Hope Foundation nang i-anunsyo sa kanila na ibinigay na ni Pangulong Duterte ang bahay nito para sa kanila

-Dati nang ipinapagamit ng pangulo ang bahay nito sa Margarita Village para sa mga mahihirap na may cancer

-Dito pansamantalng naninirahan ang mga pasyenteng nagpapagamot sa Southern Philippines Medical Center

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sobrang nagpapasalamat ang House of Hope Foundation nang i-anunsyo na tuluyan nang ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bahay nito.

Ang bahay na ito ni Digong sa Margarita Village sa JP Laurel Avenue ay nasa lungsod ng Davao.

Ayon sa report ni Orlando B. Dinoy ng Inquirer, isa si Digong sa mga aktibong taga-suporta ng House of Hope Foundation for Kids with Cancer Incorporated.

At kahit noong ito ay mayor pa lamang ay tumutulong na ito sa nasabing foundation na nag-o-operate ng halfway houses para sa mga batang may cancer sa buong Mindanao.

Napag-alaman ng KAMI na taong 2018 nang ipagamit muli ito ni Pangulong Duterte sa naturang foundation mula noong taong 2012, at nito lamang Enero ay tuluyan nang ibinigay ito ng pangulo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Kami po sa foundation, we are very honored, we are very privileged po kasi history po iyan. Isang bahay ng presidente dinonate sa isang charity ng isang foundation.

This year, in-announce sa board na meron kaming deed of donation from the president,"

Ito ang pahayag ni Fatima Disomimba, Vice-President ng House of Hope Foundation ayon naman sa report ni Claire Cornelio ng ABS-CBN News.

"The children and their parents are staying here for free. May subsidy sila ng rice and other food and personal necessities.

We cater to all patients from Mindanao. Lately, may outside Mindanao pa,” sabi naman ni Arlene Aporatdera, treasurer ng foundation.

Bukas ang House of Hope Margarita para sa mga cancer patient na mula pa sa malalayong lugar.

Libre ito at malapit lang sa Southern Philippines Medical Center.

Pres. Duterte, ibinigay ang bahay sa Davao para sa mga cancer patients

Photo source: ABS-CBN News
Source: Facebook

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel