Sikat na video sharing company, naglabas na ng pahayag tungkol sa viral na "momo challenge"

Sikat na video sharing company, naglabas na ng pahayag tungkol sa viral na "momo challenge"

- Nag-viral kamakailan ang "momo challenge" kung saan binibigyan daw ang bata ng 50 araw para isagawa ang mga tasks

- Ang madalas daw na nabibiktima nito ay mga bata kaya naman maraming magulang ang nabahala dito

- Naglabas na ng pahayag ang sikat na video sharing company tungkol sa isyu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gumimbal sa maraming magulang ang nakakabahalang "momo challenge" na tinuturong dahilan ng ilang netizens na sanhi ng pagpapatiwakal ng ilang mga bata hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa.

Binibigyan daw ng 50 araw ang isang bata para isagawa ang mga tasks na maaaring ikapahamak nito.

Ayon pa sa mga balita, bukod sa YouTube, kumalat na rin daw ito sa paboritong gaming apps ng mga bata kagaya ng Roblox, Fortnite, at Minecraft.

Nalaman ng KAMI na naglabas na ng pahayag ang sikat na video sharing company na YouTube tungkol sa isyu.

Base sa naging pahayag ng YouTube, mahigpit na pinagbabawal sa Community Guidelines ang mga kagaya ng viral na "momo challenge" at walang indikasyon na mayroon nito sa naturang video sharing site, ayon sa ulat ng GMA.

"YouTube's Community Guidelines prohibit content that's intended to encourage dangerous activities that have an inherent risk of physical harm or death. We remove flagged videos that violate our policies."

Nagbigay din sila ng useful tips para sa mga magulang.

"Users of the YouTube Kids app can also decide to have 'Search on or Search off'... When you turn search off you restrict your child's experience to a more limited set of videos.

"Parents also have the option to enable 'Parent Approved Mode', where they can handpick channels and videos that their kids can watch in YouTube Kids," pahayag ni Ailene Dela Rosa, Senior PR Manager/Strategic Works, Inc.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, ibinahagi ng programa ni Erwin Tulfo ang tungkol sa isang 11 taong gulang na bata na binawian ng buhay. Mag-mo-moving up na sana sa pagtatapos ng klase ang batang si CJ. Isa din itong mabait at achiever na bata kaya nagtaka ang kanyang mga magulang kung bakit nito nagawang magpatiwakal.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features celebrity couples who showed the world how they celebrated Valentine's Day! These celebrities have shown to the world that love is truly in the air! Check out our videos - on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinoy contestant sa sikat na singing reality show ang The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan

Pinoy contestant sa The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan

Pinoy contestant sa The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel