Moira Dela Torre, iniintriga na may pinalitan daw na superstar sa Idol Philippines

Moira Dela Torre, iniintriga na may pinalitan daw na superstar sa Idol Philippines

- Moira Dela Torre, iniintriga ngayon na may pinalitan daw na isang superstar sa Idol Philippines

- Ayon pa sa balita na naispatan ng aming team, marami ang tila may 'violent reaction' sa hanay ng mga judges ng naturang Kapamilya show

- Hindi umano sila happy dahil di raw kasama si Popstar Royalty Sarah Geronimo at dito raw nag-umpisa ang intriga kay Moira

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman ng KAMI ang iba't ibang haka-haka tungkol sa pag-anunsyo ng hanay ng mga hurado ng bagong show ng ABS-CBN, ang Idol Philippines.

Isa sa malakas na pinag-uusapan daw ngayon ay pagkasali ng trending hugot singer na si Moira Dela Torre.

Ayon pa sa balita ng Pilipino Star Ngayon, marami umanong nadismaya na hindi kasama si Popstar Royalty Sarah Geronimo bilang isa sa mga judges ng programa.

Dahil daw si Moira ang makakasama nina Regine Velasquez, Vice Ganda, at James Reid sa lineup ng judges at hindi si Sarah.

Ang puna raw ng iba ay parang wala pa raw masyadong 'authority' si Moira Dela Torre lalo na raw na bago pa lang umano siya sa industriya.

Iniisip daw ng mga fans na sana si Sarah na ang nandoon dahil sa ASAP lang daw nila napapanood ang performer at singer.

Haka-haka naman ng iba baka raw may ibang nakahandang show si Sarah o baka raw tumanggi ito na maging hurado sa Idol Philippines.

Kamakailan lang ay ibinahagi namin ang tila 'violent reaction' ng mga netizens sa lineup ng mga judges ng Idol Philippines.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask Filipinos on ‘How To Get Over Your Ex.’

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Charo Santos’ reaction upon noticing that Vice Ganda was late again goes viral

Netizens react to statement of Charo Santos when she noticed that Vice Ganda was late again

Charo Santos’ reaction upon noticing that Vice Ganda was late again goes viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel