Top 10 most beautiful faces sa showbiz, ayon kay Aiko Melendez

Top 10 most beautiful faces sa showbiz, ayon kay Aiko Melendez

Gumawa ng ingay sa social media si Aiko Melendez dahil sa kanyang sariling listahan ng top 10 beautiful faces sa showbiz.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Spotted ito ng KAMI at ang samu't saring reaksyon mula sa mga netizens na talaga namang nakakawindang at nakakaloka.

Kaya, without further ado, narito na ang top 10 na mga artista na sa tingin ng aktres na si Aiko Melendez ay maganda kahit walang makeup.

1. Dawn Zulueta

Nangunguna sa listahan ni Aiko Melendez na may pinakamagandang mukha sa showbiz kahit walang makeup ay ang walang kupas naman talaga ang kagandahan na si Dawn Zulueta.

2. Marian Rivera

Ang top 2 naman sa listahan ni Aiko ay ang very pretty na preggy na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Kahit buntis na buntis, glowing na glowing ang ganda ng aktres.

Napaka-blooming kung magbuntis.

3. Mariel Padilla

Si Mariel Padilla naman ang top 3 sa listahan ni Aiko Melendez na may pinakamagandang mukha sa showbiz.

Trulili naman talaga ang angking ganda ng It's Showtime host at misis ni Robin Padilla.

4. Dina Bonnevie

Top 4 naman ni Aiko ang magandang mommy nina Danica Sotto-Pingris at Oyo Boy Sotto, at ex-misis ni Bossing Vic Sotto.

5. Kathryn Bernardo

Nasa ika-lima naman ang Teen Queen o Queen of Hearts na si Kathryn Bernardo, at sigurado namang, mag-a-agree si Teen King o King of Hearts na si Daniel Padilla.

6. Julia Barretto

Ang magandang anak naman ni Marjorie Barretto na si Julia Barretto ang nasa ika-anim na listahan o photo gallery ni Aiko Melendez sa most beautiful faces sa showbiz may makeup man o wala.

7. Gretchen Barretto

Top 7 naman ni Aiko si Gretchen Barretto na tila hindi gusto ng ibang netizens.

At pinukol ng pamba-bash si Aiko Melendez ng ibang netizens dahil sa pagsali kay La Greta sa listahan.

Kaya naman naibalita rin ito sa PEP.

8. Liza Soberano

Ang hinirang ng TC Candler sa Hall of Fame para sa kanilang Most Beautiful Faces sa buong mundo na si Liza Soberano ay ang ikawalo sa listahan o slideshow ni Aiko.

9. Bea Alonzo

Kasali din ang magaling na aktres na si Bea Alonzo sa listahan ng beautiful faces sa showbiz ni Aiko Melendez.

Nasa ika-9th siya sa image slideshow na ibinahagi ni Aiko.

10. Maja Salvador

Top 10 naman si Maja Salvador, kung pagbabasehan ang paglagay ni Aiko Melendez sa larawan nito sa kanyang IG post.

Nag-caption pa ang aktres na:

"Some actresses are even more beautiful, because of their good soul. Some I haven’t worked but i really do find them beautiful."

At holiday daw kaya wala siyang magawa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask Filipinos on ‘How To Get Over Your Ex.’

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Gurong binibigay ang 80% ng sahod sa mahihirap, nanalo ng nasa ₱52 million

Gurong binibigay ang 80% ng sahod sa mahihirap, nanalo ng $1 million

Gurong binibigay ang 80% ng sahod sa mahihirap, nanalo ng nasa ₱52 million
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel