PH company, nagbibigay ng ₱9,000 "love life allowance" sa kanilang mga empleyado

PH company, nagbibigay ng ₱9,000 "love life allowance" sa kanilang mga empleyado

- Nagbibigay ng "love life allowance" ang kompanyang Ideas X Machina kung saan anim na beses makatatanggap ng ₱1,500 ang kanilang mga empleyado kada taon

- Ito ay upang ma-inspire magtrabaho ang kanilang mga empleyado at magkaroon naman ng oras para sa kanilang mahal sa buhay

- Nagbibigay din ng ang kompanya ng "breakup leave" na maari nilang gamitin habang pinapalipas ang kanilang sama ng loob

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon ang ang kompanyang Ideas X Machina na may kakaibang benepisyong binibigay sa kanilang mga empleyado.

Ayon sa Female network, mismong ang founder at CEO ng advertising company na Ideas X Machina na si Clemente Domingo III ang nakaisip ng ganitong benepisyo.

Tinawag niya itong "love life allowance" kung saan makatatanggap ang kanilang mga empleyado ng ₱1,500 anim na beses sa isang taon.

Lumalabas na ₱9,000 ang maari nilang gamiting pang-date sa kanilang nobyo o nobya at syempre para sa kanilang mga asawa.

Naisip daw itong paraan ni Domingo upang ma-inspire ang kanilang mga empleyado at nang sa ganun ay ganahan ang mga ito na gawin ang kanilang mga tungkulin sa trabaho.

Bukod dito, sagot din ng IXM ang subscription ng kanilang mga empleyado sa mga 'dating sites' gaya ng Tinder at eHarmony.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Di lang iyan, mayroon din silang "breakup leave" para naman sa mga empleyadong nakipaghiwalay sa mga karelasyon upang magkaroon sila ng oras na palipasin ang pinagdaraanang sama ng loob.

Malaki raw talaga ang naitulong ng mga kakaibang benepisyo na ito sa kanilang mga empleyado.

Isang art director ng IXM ang nagsabing napakinabangan niya talaga ito ng husto. "I stayed at home, I bought myself a few beers...I think that helped a lot," aniya.

Di rin ito nalalayo sa walong araw ng "love leave" sa isang kompanya sa China na nauna nang nai-balita ng KAMI.

Samantala, umani ito ng mga nakakatuwang mga reaksyon mula sa mga netizens.

Narito ang ilan sa mga ito:

"Sana lahat ng kompanya maisip to"
"May point! hahahaha. kaloka ah may 9k pangdate sa isang taon, not bad"
"Lipat na ako dito"
"Malulugi sakin tong company na to, buing buhay na akong brokenhearted"
"OMG! hahahaha. makipagbreak ako sa jowa ko para ma-avail ang leave pero ang totoo e kasama ko siya while on leave. haha!"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Middle-aged na babae, ibinahagi ang kanyang sikreto para magmukhang bata

Middle-aged na babae, ibinahagi ang kanyang sikreto para magmukhang bata

41-anyos na babae, napagkakamalang 20-anyos lang dahil sa batang itsura
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel