65 anyos na homeless painter, dinagsa ng tulong matapos ang viral post

65 anyos na homeless painter, dinagsa ng tulong matapos ang viral post

- Marami ang naantig sa kwento ni Edgardo Lam na tinaguriang homeless painter ng Ermita

- Bagaman at marami na ang humahanga sa mga obra ni "Ed Lam" di niya pa rin masabi sa sarili na isa na talaga siyang pintor

- Matapos mag-viral ng kanyang mga larawan na binahagi ni Matthew Gan, dumagsa na ang tulong at suporta kay Ed sa iba't-iba nilang pamamaraan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis na nakaantig ng puso ang kwento ng buhay ng tinaguriang "homeless painter ng Ermita" na si Edgardo Lam.

Matapos kasing mag-viral ng mga larawan ni "Ed Lam" na binahagi ni Matthew Gan, marami na ang nakapansin sa kanyang mga obra at dumagsa na rin ang iba't-ibang uri ng tulong sa kanya.

Dati raw kasi, halos walang pumapansin sa mga paintings ni tatay Ed na gawa lamang sa piraso ng plywood at mga tirang pintura na napupulot niya sa daan.

Bago ito, marami nang pinasok na hanapbuhay noon si tatay Ed gaya ng pagiging karpintero, parking assistant, at electrician.

Ngunit dala ng kanyang edad, di na niya kaya pang magkaroon ng regular na trabaho.

Iniwan na ng asawa si tatay Ed habang ang kanyang dalawang anak ay may sarili na ring mga pamilya. Wala ring sariling bahay ang mga ito kaya naman nanatili pa rin si tatay Ed sa labas ng dating "disco house" sa Ermita.

Suportado pa rin niya ang mga anak lalo na kung may kinikita siya sa kanyang mga paintings.

Gaya na lamang ng isang foreigner na nagpakilalang "Fred" kung saan bumili ng painting ni tatay Ed sa halagang 2,000 pesos.

Binahagi niya ang bayad sa painting sa kanyang mga anak at nagtira lamang para sa kanyang sarili.

Bagaman at di niya masabi sa sarili na isa nga siyang pintor, lumalabas naman sa kanyang kwento kung gaano siya ka-talentado at malikhain.

Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN, nabanggit niyang minsan, kahit plywood pa lang, may nakikita na siyang "art" mula rito.

"Minsan nga sa plywood pa lang may nakikita na ako -- tao, ibon. Minsan hinahayaan ko lang 'yong brush, naitutuloy ko naman. Hindi nasasayang. Kung nagkamali, dadagdagan ko lang hanggang sa makabuo ako ng isang obra. Bahala na kung ano ang lalabas doon," pahayag ni tatay Ed.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Gaya nga ng caption sa post ni Matthew kasama ng mga larawan ni Ed, litaw ang pagiging malikhain ng 65 anyos na pintor.

Sa mga limitadong gamit na nakikita lamang niya sa daan, nagagawa niya itong maging mga obra.

Doon pa lamang, tunay na kahanga-hanga ang matanda.

Samantala, mula pa sa iba't ibang bahagi ng bansa ang dumagsang tulong kay tatay Ed. Gaya na lamang ng mga pinadaan kay Matthew na mula pa sa Baguio. Iba't-ibang pintura, gamit sa pagpipinta at upuan ang naibigay kay tatay Ed.

Ang nakamamangha pa sa matanda, tila masaya na siya sa kanyang tinatamasa ngayon. Di na siya umaasang maging sikat na pintor pa dahil raw sa kanyang edad. Ang tanging hiling na lamang niya ay matulungan ang kanyang mga anak na magkaroon ng regular na pagkakakitaan.

Saksi rito ang mga kapitbahay niya nang minsang may nag-abot ng groceries kay tatay Ed. Naisip Binigay niya ang iba sa kanyang mga anak, at maging sa kanyang mga kapitbahay. Nag-iwan na lamang si tatay Ed ng sapat para sa kanyang sarili.

Si "Ed Lam" ang isang buhay na patunay na sa kabila ng dilim at kaguluhan ng buhay, maari pa rin itong maging makabuluhan at makulay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
7 lovely celebs who stunned everyone at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night

7 lovely celebs who stunned everyone at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night

7 ladies who rocked the red carpet at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel