Batang agaw-buhay sa Cainta, kinumpirmang hinalay siya; suspek, arestado na

Batang agaw-buhay sa Cainta, kinumpirmang hinalay siya; suspek, arestado na

- Isang batang babae ang natagpuang naka-gapos at bugbog ang katawan sa ilalim ng tulay sa Cainta

- Kinumpirma ng bata na ginahasa raw siya

- Inaresto naman kaugnay nito si Pepito Tagal, kaibigan ng mga magulang ng biktima

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang 9 na taong gulang na bata ang natagpuang naka-gapos, sugatan at sumusuka ng dugo sa ilalim ng Ortigas Extension Bridge sa Cainta, Rizal.

Base sa video na ipinalabas sa GMA-7 program na Unang Balita, kinumpirma ng bata na siya ay ginahasa at namumukhaan daw niya ang gumawa ng krimen na ito.

Ayon din sa video report ng nasabing programa, inaresto na ng pulis sa Cubao ang suspek sa krimen – si Pepito Tagal, isang ex-convict na 13 taong nakulong sa New Bilibid Prison dahil sa robbery. Siya rin ay hinihinalang isang drug addict.

Mayroon siyang ice pick at improvised na Swiss knife nang hulihin ng awtoridad.

Itinanggi naman ni Tagal ang akusasyon laban sa kanya at sinabing siya raw ang tinutukoy na suspek dahil lamang kaibigan siya ng mga magulang ng bata.

"Wala akong alam na panggagahasa na 'yan. Hindi totoo iyon,” sinabi ng suspek.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Natagpuan ang batang babae na naka-gapos at puno ng mga sugat at pasa ang katawan.

Dinala siya kaagad sa Cainta Municipal Hospital, kung saan nalaman ng mga doktor na maaaring nagka-brain injury ang bata dahil sa pambubugbog sa kanya.

May ligature marks din ito sa leeg kaya mukhang binigti pa raw ang bata.

Hindi pa nito maibukas ang mga mata at nagdurugo rin ang isang tenga niya. Sumusuka rin ng dugo ang kawawang biktima.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Let us take a look at the cutest expressions of love among the Pinoy celebrities who celebrated Saint Valentine's Day in the most beautiful way by telling the whole world how much they loved their second halves! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kahit stressed siya

Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kahit stressed siya

Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kahit stressed siya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel