9-anyos, pinatay ng sariling ama dahil sa hinalang 'di niya ito anak

9-anyos, pinatay ng sariling ama dahil sa hinalang 'di niya ito anak

-Inamin ng 30-anyos na suspek ang krimeng nagawa sa kanya mismong 9-anyos na anak

-Ayon sa suspek, nagawa niya ang krimen dahil sa hinalang hindi niya anak ang biktima

-Tinangka pa umanong tumakas ng suspek ngunit 'di inaasahang nabalahaw ang motor sa tapat mismo ng police station

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Patay na nang datnan ng tiyahin ng 9-anyos na batang babae ang bata sa silid nito sa kanilang bahay sa Barangay Agusipan sa Badiangan, Iloilo.

Sinilip raw nito ang pamangkin nang marinig na pinaandar ng ama ng biktima ang motor nito bandang alas-2 ng madaling araw nitong Lunes.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, lumalabas na tinakpan ng suspek ng unan ang ulo ng bata na ikinamatay nito.

Inamin naman ng suspek ang nagawang krimen dahil sa hinalang hindi niya anak ang bata.

Ang ina naman ng bata, napag-alamang isang overseas Filipino worker (OFW) na tatlong taon na palang 'di nakakauwi sa bansa.

Tinangka pa umanong tumakas ng suspek ngunit 'di inaasahang nabalahaw ang motor na ginamit sa harap pa mismo ng police station.

Nilapitan ito ng mga pulis para sana tulungan ngunit tinangka pang agawin ang baril ng mga ito.

Kaya naman agad na inaresto ang lalaki at tsaka inimbestigahan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel