Video ng pagbubukas ng inipong barya sa tangke ng tubig, nag-viral

Video ng pagbubukas ng inipong barya sa tangke ng tubig, nag-viral

- Matapos gamitan ng metal cutter, sumambulad ang mga naipong barya ng isang lalaki sa tangke ng tubig

- Nakamamanghang sandamakmak na pera ang naipon ng isang lalaki na tig-lilima at sampung piso

- Dahil dito, agad na nag-viral ang kanyang video na sinasabing "ultimate ipon goal" ng taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa loob lamang ng anim na oras, agad na nag-viral ang video ng netizen na si Benigno Jun Rambo Lacap Jr. kung saan makikitan ang ilang lalaki na tulong tulong sa pagbubukas ng tangke ng tubog na ginawang alkansiya.

Sa post, makikitang gumamit pa ng metal cutter ang may-ari ng ipon upang mabuksan ang tangke ng tubig.

Pagkatapos gamitan ng cutter, sumambulad ang animo'y mga gintong barya na binubuo ng lima at sampung piso. Bago at lumang barya ang makikita sa tangkeng binuksan kaya nangangahulugan lamang na kamakailan laman din niya talaga ito napuno.

Sa tulong nga kanyang mga kaibigan, nailipat nila ang mga barya sa mga batya at ibang lagayan upang marahil mabilang ito.

Marami tuloy netizens ang napapa-isip kung magkano nga ba ang laman ng inipong pera sa tangke.

Ayon pa sa kanila, ito na nga ang maituturing na "ultimate ipon goal" ng taon sa dami at sa nakamamanghang tiyaga ng lalaki na mapuno ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang iba pang mga komento ng netizens na manghang mangha sa nagawa na ito ni Benigno:

"amazing!!! bilib ako sa tyaga neto para mapuno, ilang years kaya yan inipon grabe laking pera din yan"
"Ang tanong magkano kaya inabot lahat yan"
"Nice ang ipon, kaso Di ba coin hoarding po yung ganyan?"
"pashare guys natuwa lang ako gusto ko maging huwaran ito si brother magandang halimbawa sya para sa mga ordinary na mamamayan"
"ultimate ipon goal" na dapat ito!"
"Ang galing, kaya ko kaya ito?"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Ronnie Alonte spotted hanging out with Vice Ganda amid Loisa Andalio's alleged scandal

Ronnie Alonte spotted hanging out with Vice Ganda amid Loisa Andalio's alleged video scandal

Ronnie Alonte spotted hanging out with Vice Ganda amid Loisa Andalio's alleged scandal
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel