Dating janitor at magbabasura sa Divisoria mall, taas noong nakapagtapos ng kolehiyo

Dating janitor at magbabasura sa Divisoria mall, taas noong nakapagtapos ng kolehiyo

- Marami ang namangha sa kwento ni Joey Padilla na dati umanong janitor at nagbabasura ngunit nakapagtapos ng kolehiyo

- Nakaka-inspire naman talaga ang buhay ni Joey lalo na ang kanyang mga pinagdaanan sa pagkamit niya ng kanyang dati lamang na pinapangarap

- Magsilbing huwaran daw sana si Joey sa mga taong nawawalan ng pag-asa sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay na nakakabilib ang determinasyon ni Joey Padilla na kahit mahirap ang pinagdaanan sa buhay, nakapagtapos siya ng kolehiyo dahil sa sariling pagsusumikap.

Sa kanyang talumpati sa kanyang pagtatapos ng kolehiyo, kinuwento niya kung ano ang sinuong niya para lamang manatiling mabuhay ng marangal at walang inaagrabyadong ibang tao.

Nalaman ng KAMI na 13 pa lamang daw noon si Joey nang makipagsapalaran siya sa Maynila mula sa Pangasinan kung saan 10 silang magkakapatid na iniintindi ng mga magulang niyang magsasaka.

Una niyang naging trabaho ang pagiging busboy o tagalinis ng mga pinagkainan sa restaurant. Dito, may nakilala siyang regular customer na pinaniniwalaan niyang "God-sent" sa kanya.

Sayang nga raw at di na niya muli ito nahagilap pa upang marinig nito ang talumpati niya noong araw ng kanyang pagtatapos.

Ito kasi ang nagturo sa kanya na mag-Ingles dahil sa kinakitaan siya nito ng potensyal.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tatlong taon ang lumipas at di na kinailangan ng busboy ang pinagtatrabahuhan niyang cafe'.

Napilitan tuloy siyang magtrabaho bilang janitor sa Divisoria mall. Ngunit di lang paglilinis ang kanyang kinaharap. Nagbasura rin si Joey. Gamit ang malalaking plastik ng basura, pinupuno ng mga napupulot na dumi at pag puno na, huhugasan niya upang magamit muli.

Ayon sa Esquire, taong 2005 nang makalipat si Joey sa housekeeping services sa noo'y bagong bukas na Enderun Colleges sa McKinley Hill.

Dito, nagkaroon ng oportunidad si Joey na mabigyan ng scholarship upang makapag-aral ng kolehiyo.

Janitor siya sa paaralan ng alas sais ng umaga hanggang alas tres ng hapon at magsisimula naman ang kanyang klase ng 3:30 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi.

Matapos ang anim na taon, nakapagtapos si Joey at nagpaplanong magtrabaho sa mga hotel na konetado sa Enderun.

Hinding-hindi raw niya kakalimutan ang mga bahagi na iyon ng kanyang buhay dahil sa pamamagitan ng mga iyon, nakamit niya ang tagumpay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
7 ladies who rocked the red carpet at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night

7 ladies who rocked the red carpet at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night

7 ladies who rocked the red carpet at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel