Dalaga, inakalang inatake sa puso! Nadiskubre na lang na bali ang leeg

Dalaga, inakalang inatake sa puso! Nadiskubre na lang na bali ang leeg

-Wala nang buhay ang 26-anyos na dalaga nang datnan sa bahay nito sa Laguna

-Inakalang atake sa puso ang ikinamatay ngunit lumabas sa autopsy report na bali ang leeg ng babae

-Itinuturing na suspek ang katiwala nito at kaibigan, na huli umanong nakitang pumasok sa bahay ng biktima

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Patay na nang madatnan sa tahanan nito sa Laguna ang dalagang si Leslie Santos, isang Sales Supervisor.

Unang inakala na inatake ito sa puso ngunit nang lumabas ang autopsy report, napag-alamang bali ang leeg ng dalaga.

Panggagahasa ang tinitignang motibo sa krimen, base sa imbestigasyon ng mga pulis sa crime scene.

Ayon sa report ng GMA News, walang nawalang anuman sa mga gamit ng 26-anyos na biktima.

Wala rin umanong nakitang forced entry sa bahay ng dalaga.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Suspek ngayon ang katiwala ng pamilya ng biktima na si Ryan dela Rosa matapos itong ituro ng isang testigo.

Ito rin umano ang huling nakitang pumasok sa bahay ng biktima.

Suspek rin ang kaibigan nito na si Jordan Bautista na siya umanong nagmaneho sa jeepney na iniharang pa sa crime scene.

Sabi pa ng mga kaanak ng biktima, nagpakita pa sa punerarya ang primary suspect na si dela Rosa at napansin na umanong tila balisa na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinoy contestant sa sikat na singing reality show ang The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan

Pinoy contestant sa sikat na singing reality show ang The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan

Pinoy contestant sa The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel