4-anyos na batang lalaki, patay matapos bagsakan ng picture frame

4-anyos na batang lalaki, patay matapos bagsakan ng picture frame

-Hindi inakala ng isang ginang na ang pagpunta niya sandali sa CR ay magdudulot ng matinding sakit para sa kanya

-Namatay ang kanyang 4-anyos na anak na lalaki matapos itong mahulugan ng picture frame sa mga oras na siya ay nasa CR

-Masakit pa rin para sa ginang ang pagkawala ng anak, inalala naman nito ang mga bagay na kinagiliwan ng anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasa banyo umano ang ginang na si Amanda Velez nang bigla itong makarinig ng malakas na pagbagasak ng salamin at pagsigaw mula sa mga anak.

Naglalaro umano ang kanyang dalawang anak na babae kasama ang kanyang 4-anyos na anak na lalaki na si Adrian Ortega sa loob ng bahay.

Narinig pa niya ang pagsigaw ng kanyang 2 taong gulang na anak na babae at ang pagtawag sa kanya ni Adrian.

“In a matter of seconds, I’m using the restroom, I hear a loud bang, and I heard glass shatter, and I heard my youngest daughter, who’s 2 years old she was screaming. I heard my son say, ‘Mommy.'” sabi ni Amanda sa isang panayam sa NBC 10.

Nadiskubre na lamang niya na bumagsak ang isa sa kanilang picture frame at ang salamin nito ay nagkabasag-basag.

Habang ang isang pirasong tibo ay nakatarak sa tiyan ng kanyang anak na si Adrian.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“I heard him screaming, ‘Mommy’ so when I go run in the room he’s, like, hunched over glass. When I lift him up I saw a little bit of blood so I put my hand over it to, like, keep the pressure. When I went to lay him down, his eyes started rolling behind his head.” sabi pa nito.

Agad niya itong isinugod sa malapit na ospital at doon sinubukan pang i-revive ang bata ngunit dahil mahina pa ito ay pumanaw rin.

Na-kwestyon pa rin ng mga pulis ang mga naging pahayag ni Amanda ngunit ipinagdiinan niyang aksidente lamang ang nangyari.

Sinabi pa nito sa isang panayam sa WPVI na masakit para sa kanya ang nangyari at mahirap din para sa kanya na ipaliwanag ang pangyayari na ikinamatay ng kanyang anak.

Inalala naman nito ang anak sa isa nitong panayam.

My baby he was so full of joy. His sisters miss him. […] I carried my son. I birthed him. I was with him.”

"His favorite color was green just like one of his super hero’s The Hulk. Second to that was Captain America. He also enjoyed watching PJ Mask at any given chance."

Ayon naman sa report ng Dearly.com, hindi pa lumalabas ang opisyal na cause of death ng bata.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
8-anyos, sinupalpal ang babaeng ipinahiya ang kanyang ina

8-anyos, sinupalpal ang babaeng ipinahiya ang kanyang ina

8-anyos, sinupalpal ang babaeng ipinahiya ang kanyang ina
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel