OFW, hiniwalayan ang mister na magbubukid para kay Jun-jun

OFW, hiniwalayan ang mister na magbubukid para kay Jun-jun

-Hindi na umano umuwi sa kanila ang misis na OFW dahil sa ibang lalaki

-Ito ang reklamo ng isang mister mula sa Cauayan, Isabela at hiniling na makausap ang kanyang asawa

-Itinanggi naman ito ni misis at sinabi pa na kaibigan lamang ang tinutukoy na lalaki niya, ngunit nahuli rin ito sa sarili nitong bibig

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog sa programang Aksyon ang mister na si Pelino Baldos para makausap ang kanyang misis na isang OFW.

Ayon kay Pelino, isang magsasaka, hindi na umano umuwi sa kanila ang asawang si Perlita Baldos dahil mayroon na umano itong ibang lalaki.

Ang lalaking itinuturong kabit nito ay ka-lugar din nila na si Jun-jun.

Reklamo pa ni Pelino, hindi rin regular na nagpapadala sa kanila ang asawa dahil sabi raw nito ay nag-iipon ito.

Sagot naman ni Perlita, totoong hindi siya nagpadala sa asawa at mga anak dahil nag-away raw sila ng mister.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi na rin ito masaya sa relasyon nilang mag-asawa dahil hindi nag-ta-trabaho ang asawa at nagsusugal pa raw ito.

Bagamat itinanggi naman nito ang relasyon sa lalaki at sinabing kaibigan lamang nito si Jun-jun, nahuli pa rin ito sa sarili nitong bibig.

Habang kausap kasi ito ni Pelino ay nadulas ang ginang na hiwalay na sila ni Jun-jun, taliwas sa una nitong pahayag na kaibigan lamang niya ang lalaki.

Hindi na rin ito naitanggi pa ng babae ngunit nagmatigas pa rin ito sa asawa. Hindi na ito nakumbinsi pa ni Pelino na makipag-balikan sa kanya.

Samantala, sinabi naman ni Raffy Tulfo sa OFW na posibleng gamitin sa kanya ang reklamo ni Pelino upang 'di na siya makapag-abroad pa at mawala dito ang kustodiya ng mga bata dahil na rin sa mga ebidensiya laban dito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our HumanMeter team attended a special screening of Liza Soberano and Enrique Gil's new movie "Alone /Together"! There, we were able to conduct a super edition of tricky questions. The people's responses were super hilarious as well – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinoy contestant sa The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan

Pinoy contestant sa sikat na singing reality show ang The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan

Pinoy contestant sa The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel