Netizens, may nakakawindang na reaksyon sa diumano'y pagsusuot ng imitasyon ni Vice Ganda

Netizens, may nakakawindang na reaksyon sa diumano'y pagsusuot ng imitasyon ni Vice Ganda

- Vice Ganda, tinawag ang pansin ng Diet Prada dahil sa diumano’y pagsuot ng ‘high-fashion knockoffs’

- Fineature ng naturang ‘self-appointed vanguard’ ng fashion industry ang mga suot ng It’s Showtime host kamakailan

- Dahil daw sa pagkakapareho ng mga ito sa isang high-fashion brand, at kaugnay dito, may nakakawindang naman na reaksyon ang mga netizens

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman ng KAMI, na tinawag ang pansin ni Vice Ganda ng Diet Prada dahil sa diumano’y pagsuot ng imitasyon at hindi naman nagpapigil ang mga netizens sa kanilang nakakawindang na komento.

February 24, nag-upload ang naturang page ng kanilang IG stories na feature ang mga outfits ni Vice at ikinumpara ang mga ito sa mga international brands.

Ilang netizens daw ang nagsabi na ang parehong gowns ay mayroong magkaparehong silhouette, ayon pa sa ulat ng PEP, kung saan una naming naispatan ang balitang ito.

Bukod pa umano sa pag-iba ng kulay, ang orihinal na statement na nakasulat sa harapan ng gown ay iniba rin daw.

Ang statement ng orihinal brand daw ay:

"Sorry I'm Late I Didn't Want To Come"

At ang kay Vice Ganda naman ay:

"You don’t gain anything from hating us."

Tinawag din ang pansin ng It’s showtime host sa pagsuot ng headdress, na pareho raw sa sinuot ni Beyonce sa 2017 Grammy Awards performance na gawa ng House of Malakai.

Narito ang iilan sa mga nakakawindang na reaksyon ng mga netizens:

"lahat ng bagay ngayon ginagaya ...ang importanti yung mensahe na ipinapahiwatig nya"
" Inspired hindi immitation hindi din photocopy...Malayo sa original"
"Bakit nung nangopya ba ko sa kaklase ko nagreklamo ba siya? Di naman huh.."
"bakit ako nangongopya din ng mga formahan ng mga sikat na artista pati mga hollyword actresses bat ndi ako na issue?"
" marami diyan ang nanggagaya, ba't wala namang issue."

Una na naming ibinahagi ang pag-akusa kay Vice Ganda ng Diet Prada na diumano'y nagsuot ng imitasyon.

Si Vice Ganda ay kilala sa kanyang bobongga at magarbong mga outfits kung ito ay nagpe-perform, may concert, o may special na okasyon ang It's Showtime.

Makikita ngayon si Vice Ganda sa It's Showtime at GGV, at mukhang kabilang din siya sa Idol Philippines, ayon sa isang larawan na kumalat pero iaanunsyo pa ito ng ABS-CBN.

POPULAR: Read more news about Vice Ganda here

Ang Diet Prada Instagram page ay ang ang ‘fashion industry’s watchdog' umano, ayon pa sa W fashion magazine habang ang preen.inquirer.net ay ininilarawan naman ang una na isang ‘self-appointed vanguard’ ng fashion industry.

Pinamamahalaan umano nina Tony Liu at Lindsey Schuyler na kilala raw sa pagbatikos ng mga fashion brands at mga personalidad na gumawa o sumusuot ng mga ‘knockoffs.’

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to challenge 'LizQuen Fans.'

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’

Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’

Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel