Coco Martin, binisita na ang burol ni Kristofer King, sasagutin lahat ng gastos ng pamilya

Coco Martin, binisita na ang burol ni Kristofer King, sasagutin lahat ng gastos ng pamilya

- Bumisita na si Coco Martin sa burol ng Ang Probinsiyano aktor na si Kristofer King

- Napakalaking tinik ang nabunot sa dibdib ng asawa ng yumaong aktor dahil sa pagbisita ni Coco

- Nangako si Coco na sasagutin niya lahat ng pangagailangan sa burol at libing ni Kristofer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di na napigilan ni Joan "Nikki" Alegre Reyes ang pagbuhos ng kanyang luha nang makausap ang kilalang aktor na si Coco Martin.

Nalaman ng KAMI na binisita ni Coco ang burol ni Kristofer King, February 25, 2019.

Ayon sa ulat ng PEP, natutulog daw si Nikki nang umagang iyon nang ginising siya at ipinaalam sa kanya na may naghahanap sa kanya. Nagbigay daw ng bulaklak si Coco.

Coco Martin, binisita na ang burol ni Kristofer King, sasagutin lahat ng gastos ng pamilya

Coco Martin, binisita na ang burol ni Kristofer King, sasagutin lahat ng gastos ng pamilya (Photo: Jerry Olea/PEP)
Source: Facebook

Nang marinig ito ni Nikki, nabuhayan daw siya ng loob. Naiulat sa KAMI na malaki ang problemang pinansyal ng pamilya kung kaya't kahit interment ni Kristofer ay di pa naise-set ng pamilya.

Bandang alas 10 P.M. nang dumating na nga si Coco Martin kasama na rin ang batikang direktor na si Brillante Mendoza.

Nag-usap si Nikki at Coco sa harap ng kabaong ni Kristofer at bumuhos ang luha sa mga mata ng asawa ng yumaong aktor.

Kuwento ni Nikki nang makaalis na bandang alas 11 P.M. sina Coco ay sobrang tuwa daw niya nang dumating si Coco doon.

“Hindi ko alam ang gagawin ko. Tuwang-tuwa ako... Andito na siya sa harap ng kabaong ng asawa ko."
“Tinatanong na niya ako, 'Magkano lahat ang babayaran? Ano ang nangyari? Bakit namatay siya [Kristofer]? Bakit biglaan?'"
Coco Martin, binisita na ang burol ni Kristofer King, sasagutin lahat ng gastos ng pamilya

Coco Martin, binisita na ang burol ni Kristofer King, sasagutin lahat ng gastos ng pamilya (Photo: Jerry Olea/PEP)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dito, kinuwento naman ni Nikki at nang sinabi ni Coco na, "Sige, sagot ko na lahat," parang nabagsakan daw ng langit at lupa si Nikki.

Itinatayang sa Feb. 27 makukuha na ni Nikki ang death certificate ni Kristofer at nawa'y matuloy na ang libing sa March 3 sa Manila Memorial Park.

Si Kristofer King ay isang indie actor at ilang beses na rin silang nakapagtrabaho ni Coco Martin.

Namatay si Kristofer sa edad na 36. Hindi pa malinaw kung ano talaga ang naging sanhi ng pagkamatay niya.

POPULAR: Read more about Coco Martin

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

How well can they imitate their celeb idols? LizQuen fans accept the LizQuen challenge and many of them nailed it! Check out the video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Teddy Corpuz breaks his silence on alleged disbandment of 'Rocksteddy'

Teddy Corpuz breaks his silence on alleged disbandment of 'Rocksteddy'

Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel