NCRPO Chief Guillermo Eleazar, gigil sa galit sa kidnapper na kukuha sana ng 5 bata

NCRPO Chief Guillermo Eleazar, gigil sa galit sa kidnapper na kukuha sana ng 5 bata

- Nanggagalaiti sa galit si NCRPO Chief Guillermo Eleazar nang makaharap niya ang isa na namang suspek sa kidnapping

- Nahuli ang di umano'y kidnapper na si Norly Rapael na kukuha sana ng limang bata mula sa Litex, Commonwealth, Quezon City

- Kinilala ng mga magulang ng limang bata si Rapael at positibo silang balak kunin ng suspek ang kanilang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lalong tumitindi ang mga sindikato na nangunguha ng mga bata sa kalakhang Maynila.

Dahil dito, di na mapigilan pa ni NCRPO Chief Guillermo Eleazar na manggalaiti sa galit sa bagong huling kidnapper na si Norly Rapael.

Ayon sa Philippine Star, hinarap ang suspek kay NCRPO Chief Eleazar sa sinagawang press briefing sa Regional Special Operations Unit of the NCRPO sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Nakuyog umano ang suspek sa tangka nitong pagkuha sa limang bata sa Litex, Commonwealth, Quezon City.

Agad na-aresto si Raphael matapos natukoy ito ng mga magulang ng bata.

Kitang kita sa larawan na gigil na gigil sa galit ang NCRPO chief sa gawain ng suspek at sindikatong kinabibilangan nito.

Ito ang kauna-unahang nai-ulat na lalaking kidnapper dahil sa kadalasan ng nahuhuli ay puro babae.

https://www.facebook.com/PhilippineSTAR/posts/1282653578554987?__tn__=-R

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tinatayang nasa edad siyam pababa ang mga batang tinangkang kunin ni Rapael.

Maigting pa ring pinag-iingat ng mga awtoridad ang mga bata at magulang na huwag pabayaang mag-isa ang kanilang mga anak lalo na kung nasa labas o nasa kalsada.

Bagaman at marami na ang nahuhuling mga kidnapper ay patuloy pa rin ang operasyon ng iba't-ibang sindikato na nangunguha ng bata upang maibenta di umano ang lamang loob sa mataas na halaga.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
7 lovely celebs who stunned everyone at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night

7 lovely celebs who stunned everyone at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night

7 ladies who rocked the red carpet at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel