Ina ng batang namatay sa pagmamaltrato ng tagapag-alaga, nagsisisi at iniwan pa ito

Ina ng batang namatay sa pagmamaltrato ng tagapag-alaga, nagsisisi at iniwan pa ito

- Sising sisi ang ina ng dalawang taong gulang na batang si John Earl dahil sa di niya nagawang ipagtanggol ang anak sa pagmamaltrato sa kanya ng pinsan at asawa nito

- Sinasabing sinasaktan noon, sinisilid sa sako at pinakakain ng panis ang walang kalaban-laban na dalawang taong gulang na bata

- Nasa abroad ang ina ng bata na nalaman na lamang ang pangyayari nang pumanaw na ang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunos-lunos ang sinapit ng dalawang taong batang si John Earl Cagalitan nang maltratuhin ito hanggang sa mamatay ng kanya mismong pinsan at asawa nito.

Ayon sa post na binahagi ng OFW Kuwait Balita, minamaltrato ang walang kalaban-labang dalawang taong gulang na bata ng nag-aalaga sa kanya habang nasa abroad ang kanyang ina.

Iniipit ang daliri at braso sa pintuan, sinusuntok, pinakakain ng panis, sinasampal at sinisilid sa sako ang bata ng kanyang pinsan at asawa nito na mga pinaghabilinan sa kanya ng ina.

Ang pinakamatindi pa nga ay nang aksidenteng ma-ihi ang bata sa kama ng mga nag-aalga sa kanya, kaya galit na galit ang dalawa at sinaktan ang bata hanggang sa tuluyan na itong mamatay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nalaman pa ng KAMI na nakikita at alam ng kanilang mga kapitbahay ang ginagawa ng mag-asawa sa bata ngunit tinatakot sila na maging sila ay sasaktan kung sila ay mangialam o magsumbong sa ina n John Earl o sa kinauukulan.

Sa kasamaang palad, di na inabot si JOhn Earl na buhay ng kanyang ina.

Labis ang hinagpis ni Erlinda Cagalitan, ina ni Earl John, dahil sa di manlang niya nagawang ipagtanggol ang anak sa panahaong kailangan siya nito.

Ayon pa sa post, nakarating ang ginawa na ito ng pinsan ni Earl John kay Pangulong Duterte na siyang nagsabi kay Erlinda na mabibigyan ng hustisya ang nakakadurog ng puso na sinapit ng anak.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

If the hashtag formed from the names of Liza Soberano and Enrique Gil is #LizQuen, what would be the hashtag for you and your boyfriend/girlfriend?

Challenging LizQuen Fans | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinoy contestant sa The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan

Pinoy contestant sa The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan

Pinoy contestant sa The Voice US, nagpatuloy ang pag-arangkada sa labanan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel